top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Agosto 12, 2023 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 12, 2023


Sa may kaarawan ngayong Agosto 12, 2023 (Sabado): Akyat-baba ang buhay mo. Magkagayunman ginagarantiyahan pa rin ng kapalaran na mas mataas ang mararating mo kaysa sa pinangarap mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, susulong ang iyong kabuhayan, at muli namang maglilitawan ang mga inggitera sa buhay mo. Huwag mo silang pansinin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-20-23-36-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli mong isabuhay ang isang atras at dalawang pasulong na paghakbang papunta sa iyong pangarap. Sa ganito paraan, malilito ang iyong mga kakumpitensya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-16-23-33-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Lihim na kumikilos ang kapalaran mo para ikaw ay umasenso. Kahit na hindi mo ito namamalayan dahil ‘pag nalaman mo ito, magsasaya ka at aatras naman sa iyo ang tagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-24-27-35-43.

CANCER (June 21-July 22) - Nakatutok sa iyo ang kanilang mga mata, kaya pagbutihin mo pa lalo ang iyong ginagawa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-12-23-31-33-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon na ang tamang panahon para tutukan mo ang pagnenegosyo. Mula sa maliit lalaki ito nang lalaki at ikaw ay yayaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-12-28-30-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipatupad mo ang kakaibang ideya na bigla mong naiisip. Ito na mismo ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Gawin mo na ito bago ka pa nila maunahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-14-21-22-26.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ka! Muli kang aalukin ng masarap na buhay. Malilito ka kung tatanggapin mo ito, ‘wag ka na magpatumpik-tumpik pa sunggaban mo na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-25-29-38-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isinasara mong pilit ang pintuan ng iyong kaligayan, pero sa huli, kusa itong bubukas at ikaw ay hihigupin ng hindi maipaliwanag na lakas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-22-24-33-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong angkinin ang iyong tagumpay. Ang kapalaran ang gumawa ng paraan upang tuluy-tuloy kang umunlad at magtagumpay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-15-18-22-24-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aabante ang buhay mo dahil sa mga tulong na ipagkakaloob sa iyo. Bibilis din ang pagyaman mo dahil ang langit ay natutuwa sa kabutihang ipinapakita mo sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-19-23-26-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dumarami ang naiinggit sa iyo dahil nakikita nilang masarap na ang iyong buhay. Ang hindi nila alam, grabe ang kalungkutang itinatago mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-17-18-22-23-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para mas malaki at mas marami ang mapunta sa iyo, ang payo ay patawarin mo ang nakagawa sa iyo ng pagkakamali. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-28-30-31-36-46.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page