Horoscope | Agosto 11, 2026 (Martes)
- BULGAR

- Aug 11
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 11, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 11, 2026 (Martes): Mas angat ka kaysa sa kanila. Gayunman, mahalin mo ang mga nasa ibaba dahil sa katunayan, sila ang dahilan kung bakit ka nasa taas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Manindigan ka ngayon! Ang salita mo ay magsisilbing panggising sa mga taong nabubuhay sa pagkakamali. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-13-20-27-31-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong iwan ang aral sa buhay na nagpaunlad sa iyo. Ipagpatuloy mo ang pagiging masinop at pigilan mo ang sarili mo na matangay ng mga walang kakuwenta-kuwentang aktibidad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-21-25-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakahanap ng paraan ang kumikilos, pero ang ayaw gumalaw ay wala nang pag-asa dahil tanggap na ang kasalukuyan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-19-28-34-40.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang nararamdaman mo, iyon ang ipakita mo. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-12-22-29-32-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magkakaiba ang bawat tao, kaya huwag mong hanapin ang sarili mo sa kapwa mo. Tanggapin mong bawat isa ay may kani-kanyang personalidad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-20-27-36-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mo lang siya na kumontra sa iyo. Ngayon lang naman ito dahil sa huli, makikita ng lahat na ikaw ang tama. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-27-34-37-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo dapat iasa sa iba ang pagganda ng kapalaran. Paghandaan mo ang kinabukasan sa pamamagitan ng pagpaplano na ikaw ang bumuo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-15-24-26-33-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit ka nagpapaimpluwensiya sa iba? Kailangan mong lumaya at ang una mong gawin ay huwag sumunod sa kahit na sino, kahit pa parang maganda ang kanilang sinasabi. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-23-25-30-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit anong hirap ng mga problema, lagi rin namang may solusyon. Kumuha ka ng mga opinyon sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-16-21-28-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isuot mo ang lumang damit na naging paborito mo, dahil iyon ang magsisilbi mong pampabuwenas ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-22-27-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumakad ka na parang walang anumang problema at magsalita na parang wala kang mga alalahanin sa buhay. Gawin mo ito upang maaakit mo ang mga suwerte sa paligid mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-17-20-26-35-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte. Maghintay ka lang at huwag mainip. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-15-17-27-30-44.



No esperaba encontrar una explicación tan detallada sobre MagisTV APK. El artículo presenta información interesante y está escrito de manera sencilla. Me ayudó a comprender mejor varios aspectos y, sobre todo, a resolver algunas dudas que tenía anteriormente.