Horoscope | Agosto 11, 2023 (Biyernes)
- BULGAR
- Aug 11, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 11, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 11, 2023 (Biyernes): Iwasan mo ngayon ang anumang gulo, ituon mo ang iyong lakas sa pagpapaunlad ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Higit kailanman, hinahon ang iyong kailangan. Ang kababaang loob ay panatilihin mo dahil kapag nagpakumbaba ka, tiyak na pagpapalain ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-24-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag pinapili ka ng iyong kapalaran kung ano ang iyong gusto, tahimik na buhay ang piliin mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-21-26-27-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) – Huwag kang mag-alala kung hindi mo agad nakuha ang gusto mo. Ang mahalaga ay matuto kang maghintay. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-18-20-23-28-35.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag nawalan ka ng bagay na mahalaga sa iyo, lihim kang matuwa dahil ang ipapalit ng langit d’yan ay labis mong ikakatuwa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-25-27-35-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maghanap ka at ikaw ay makakakita. Ito mismo ang nakasulat sa banal na aklat ng iyong tadhana. Ito rin ay para sa mga taong naghahanap ng makakasama habambuhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-19-23-30-33-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa mga palakuwento kung ayaw mong ikaw ay maloko. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-2-14-25-22-27-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong layuan ang taong minsang nakatulong sa iyo. Hindi lahat ng pagkakataon ay puwede mo siyang lapitan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-28-20-28-31-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit maliit tumulong ka sa nangangailangan. Muli, kahit na maliit ay tumulong ka. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-17-19-20-21-25-27.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madadagdagan ang kaban ng iyong yaman at ang mga suwerte ay darating sa iyo nang sabay-sabay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-22-25-29-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpapatangay sa bisyo. Ang mga taong nagpapaalipin sa bisyo ay hindi lang maghihirap ang buhay, sila rin ay magkakaroon ng sakit at sa bandang huli ay nagsisisi. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-16-18-21-24-35-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ipaglaban mo ang paniniwala mo. Humahanga ang langit sa mga taong may paninindigan. Masuwerteng kulay-orange Tips sa lotto-6-9-13-27-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magtiis sa sitwasyong naaargabyado ka. Lumiligaya ang tao kapag ang pinili nila ay ang pagiging malaya. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-18-25-29-31-42.




Comments