top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Agosto 10, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 10, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 10, 2023


Sa may kaarawan ngayong Agosto 10, 2023 (Huwebes): Likas kang masuwerte ngayon. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong kaarawan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka muna dapat makuntento sa kung ano ang mayroon ka ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-18-20-27-31-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Habang nilalasap mo ang magagandang bagay na iyong natatamasa, ilagay mo sa iyong isipan na may mga kailangan ka pang gawin para sa pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-17-20-23-25.

GEMINI (May 21-June 20) - Sakyan mo lang ang masasayang kaganapan ngayon at sa darating pang mga araw. May kakambal itong nakakamanghang suwerte na labis-labis mong ikakatuwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-20-21-26-36.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat na manghinayang sa mga nabawas sa kabuhayan mo, dahil ang mga ito ay magbubunga ng magagandang kapalaran sa hinaharap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-17-20-24-38-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag masaya ka, mas lalo kang susuwertehin, kaya ‘wag ka na magdalawang isip pa dahil ngayon mapapasaiyo ang mga suwerteng inaasam-asam mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-25-28-33-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong higpitan ang hawak mo sa mga nasa sa iyo na. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-14-15-20-23-30.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isang hakbang paatras, dalawang hakbang pasulong, ito ang isabuhay mo upang makatiyak ka na ang naglalakihang mga suwerte at tagumpay ay mapapasakay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-23-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Piliin mo ang landas ng pakikipagkasundo. Magparaya ka sa maliit na bagay. Ang pagiging mahinahon ay iyong isabuhay dahil kapag payapa ang iyong kalooban, ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-29-30-33-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy ang ikot ng orasan kahit ang tao ay ‘di kumikilos. Tulad mo, magpapatuloy ang ikot ng iyong buhay at patuloy kang susuwertehin kahit wala kang ginagawa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-15-28-30-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatakot talaga ngayon, magkagayunman, ang takot na iyong nararamdaman ay senyales lamang na may suwerteng darating. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-12-24-25-30-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabibilis ang kaganapan, isang bunot, isa ang matutuwa, isang bunot, ikaw naman ang makikitang nagtatalon sa sobrang kagalakan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-14-17-31-42-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagmamadali na parang hindi na paaawat, ikaw ay dadalawin ng malalaking suwerte. Kapag nag-focus ka sa pagnenegosyo, mas lalo kang bubuwenasin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-23-26-35-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page