top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

Horoscope | Agosto 1, 2026 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 1, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 1, 2026 (Sabado): Kahit saan ka magpunta, kailangan mo pa rin maipadama sa iba ang iyong pagmamahal. Kapag ginawa mo ito, tiyak na susuwertehin ka. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumapit ka sa mga kaibigang masayahin, dahil sa kanila mismo manggagaling ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-23-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sisikat ang Haring Araw sa kapalaran mo. Ibig sabihin, kakaibang sigla ang hatid sa iyo ng araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-15-20-25-31.


GEMINI (May 21-June 20) - Mahirap umusad ang negosyo, pero kung mananatili kang positibo, hindi ka gaanong maaapektuhan ng mga negatibong pangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-10-22-29-32-40.


CANCER (June 21-July 22) - Nakaalalay sa iyo ang langit kaya hindi ka gaanong maaapektuhan ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-18-24-33-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon, aanihin ng mga taong mapagmataas ang kagipitan. Kaya kung matututo kang magtipid, ‘di ka matutulad sa kanila. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-13-21-35-37-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag bumili ka ng isa, magugulat ka dahil dalawa ang iyong makukuha. Ito ngayon ang magiging kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-17-26-39-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bawasan mo ang paglalakwatsa, dahil kung hindi mo ito iiwasan, may babala na magiging pabigat ka sa iba. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-14-19-23-34-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magtipid ka, pero hindi sa pera kundi sa pagkilos. Ito ang paraan upang sumigla ang iyong katawan at lalo pang humaba ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-12-20-32-35-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi para sa iyo ang pakikipagsapalaran sa maliit na tsansang manalo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-10-25-28-30-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo bilangin ang mga magagandang bagay na sumasaiyo. Gayunman, bilangin mo rin ang mga hindi magaganda. Makikita mo ang katotohanan: mas matimbang ang una kaysa sa huli. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-22-27-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi man nakakarinig ang bingi, nakakaintindi naman ito. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-16-26-36-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mo lang ang kontra nang kontra sa iyo. Marami talagang nag-aakalang alam nila ang mga mangyayari. Pero, mapapahiya sila dahil ang magaganap ay iba sa kanilang sinasabi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-15-18-24-31-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page