top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Horoscope | Abril 9, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 9, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Abril 9, 2026 (Huwebes): Bawat laban ng buhay mo, mananalo ka. Kaya bakit ka matatakot na labanan ang mga hamon ng iyong kapalaran? Lumaban ka lang nang lumaban!


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo na ang araw na ito. Ngayon mo hilingin ang iyong pinakamalaking kahilingan sa langit. Kahit imposible at mahirap mangyari, tiyak na ito ay gagawan ng paraan ng nasa Itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-20-25-34-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malakas ka at hindi ka mahina! Kaya mo lang naiisip na mahina ka ay dahil ayaw mong sugurin ang iyong pinakamalaking ambisyon. Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa, sugod na! Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-22-29-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagbubukas ang pintuan ng grasya kapag may makulit na katok nang katok. Ipakita mong makulit ka at buo ang iyong kursunada. Kapag tumapang ka, mapupuno at aapaw ang kaban ng iyong kayamanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-13-21-31-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka mabibigo dahil ang kabiguan ay para lamang sa mga kontrabida. At ang hindi magandang balita para sa kanila, lalo pa silang mapapahiya. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-15-24-28-31-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malaki ang maitutulong mo sa isang nawawalan ng pag-asa. Dahil dito, hahangaan ka niya at nanaisin na habambuhay kang maging bahagi ng kanyang buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-8-11-18-20-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Minsan, hindi sapat ang lakas ng loob para yumaman. Mas kailangan ang talino at taglay mo ito ngayon. Kaya hindi ka mabibigo kapag hinangad mong umasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-23-32-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ayaw mo, iyon ang mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-15-24-30-36-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ka, iyon ang ilabas mo. Makakaasa ka na ang malalaking suwerte ay mapapasaiyo. Kaya huwag mo nang sayangin ang pagkakataon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-22-26-33-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dagdag-suwerte ang mapapasakamay mo kung ang nakuha mong suwerte ay gagawin mong puhunan. Tandaan mo, ang suwerte ay namumunga ng mas marami pang suwerte sa mga susunod na araw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-28-31-37-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil kung ano ang kinatatakutan mo ay siya palang magdadala ng suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-25-30-39-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sakyan mo lang ang agos ng iyong buhay. Makakaasa ka na dadalhin ka nito sa lugar kung saan mayayakap mo ang iyong mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-13-24-31-35-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa matatapang para tumapang ka rin. Ang maganda sa iyo, inaamin mo sa sarili mong mahina ang loob mo at kailangan mo ang mga taong malalakas ang loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-15-23-34-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page