top of page

Horoscope | Abril 8, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 8, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Abril 8, 2026 (Miyerkules): May bituing tatanglaw sa iyo. Ibig sabihin, anuman ang gustuhin at ikilos mo, tiyak na ito ay mangyayari at magkakatotoo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na kailangan mo ng pampasuwerte. At ibinabalita para sa iyo na hindi mga bagay ang pampabuwenas mo kundi tao mismo—siya ay ang laging nagpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-27-30-35-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gusto mo bang mapatunayan na ang mga halaman ay nagbibigay ng suwerte sa buhay ng bawat tao? Pumitas ka ngayon ng dahon sa iyong halaman at ilagay mo sa wallet, at ‘wag kang magulat kung bigla kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-20-26-29-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Gumamit at magsuot ka ng mga bagay na yari sa pilak o silver, dahil ito ang magsisilbi mong lucky charm, hindi lamang sa buwang ito kundi sa buong taon ng 2026. Habang suot mo ito, magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-14-23-25-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Maglinis ka ng bahay. Kapag mas maraming tubig ang magamit mo sa paglilinis, mas maraming suwerte ang darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-12-22-28-39-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kailangan mo ang sikat ng araw kahit sandali lang. Ito ang panlaban mo sa mga negatibong puwersa sa paligid. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-17-20-31-34-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsuot ka ng bagay na may kislap dahil ito ang susi para magkislapan ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-13-18-24-35-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi bagay ang pampasuwerte mo ngayon. Kahit isang simpleng ngiti mula sa iyong labi ay nagbabalitang anuman ang gusto mo, tiyak na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-16-25-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mag-alala kapag napuyat ka dahil kakaiba ngayon ang takbo ng kapalaran mo na nagsasabing sa pagpupuyat, bubuwenasin ka! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-20-28-33-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit pa may mga problema, huwag kang yuyuko. Panatilihin mong nakataas ang ulo mo at nakatingin sa harapan. Ito ang susi upang mapalapit ka sa dulo ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-19-27-30-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang simpleng paghawak sa banga na nasa inyo ay pampasuwerte. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-15-22-24-36-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hangin ang pinanggagalingan ng iyong magagandang kapalaran. Kaya mas mabuting buksan ang bintana upang pumasok ang sariwa at bagong hangin. Sa ganyang paraan, ikaw ay madaling bubuwenasin. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-13-25-31-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tiwala sa sarili ang magdadala sa iyo ng mga suwerte. Kaya huwag na huwag kang mag-aalinlangan sa iyong kakayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-23-29-32-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page