Horoscope | Abril 7, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 7, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 7, 2026 (Martes): Kailangan mong pumunta sa malalayong lugar dahil ito mismo ang sikreto para gumanda ang iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang tumulad sa iba na tinatakot ang sarili sa mga negatibong puwedeng mangyari. Kumilos ka tulad ng dati! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1–9-13-24-29-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong ikalungkot kung hindi man natuloy ang iyong plano. Ang higit na nakakaalam kung ano ang pinakamabuti sa buhay ng tao ay ang kanyang kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-17-20-36-38-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Lalapit sa kapalaran mo ang bituin na nagbibigay ng masaganang buhay. Hindi ka niya iiwan hanggang sa ikaw na ang magsabi na nakakasawa pala ang masarap na buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-23-34-37-42.
CANCER (June 21-July 22) - Biglang kikilos ang gulong ng iyong kapalaran upang mawala sa iyo ang mga taong ‘di naman nakakatulong at pabigat lang sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-14-23-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi naman masama ang tumulong sa kapwa, pero hindi maganda kung pababayaan mo ang iyong sarili para sa ibang tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-20-29-33-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Palipat-lipat ng tirahan ang mga taong naghahanap ng suwerte. Lingid sa kanilang kaalaman, ‘yun din ang dahilan kung bakit hindi nila nakakadaupang-palad ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-25-28-35-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong ipilit kung ‘di mo naman kaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-14-22-32-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag pansinin ang madilim at makapal na ulap sa iyong kapalaran sa ngayon. Tatangayin din ito ng malalakas na hangin at ilalayo sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-7-20-28-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na napakaraming pagbabago ang magaganap sa iyong buhay, kung saan mas gaganda pa ang takbo nito kaysa dati. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-12-27-30-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang iyong masasaksihan dahil masasabi mong totoo pala na ang lumalakad nang matulin ay nadarapa. Ito rin ang magsisilbing aral ng buhay para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-23-26-31-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lang naman sa sariling karanasan natututo ang tao. Panoorin mo ang mga kaganapan sa buhay ng isang malapit sa puso mo, roon ay marami ka ring matututunan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-19-27-38-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang hindi nakikitang sinag ang guguhit sa iyong kapalaran. Ang kanyang pangalan ay “Sinag ng Masaganang Buhay.” Ngayon na magsisimula at hindi na maaawat pa ang pag-unlad mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-29-32-35-41.


Comments