Horoscope | Abril 6, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 6, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 6, 2026 (Lunes): Kikilos ang kapalaran mo para sa ikagaganda ng buhay mo. Kahit pa may pagkakataong magkamali ka, gaganda at gaganda pa rin ang buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung sino ang nagpapasaya sa iyo, siya ang isama mo sa biyahe, dahil siya mismo ang suwerte mo. Mas makabubuti kung magagawa mo rin siyang mapasaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-15-21-29-34-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ka, iyon ka. Huwag ka nang tumulad sa iba na pilit itinatago kung ano at sino sila. Sa ganitong paraan, matutuwa sa iyo ang langit at pagkakalooban ka ng nakakagulat na mga suwerte at pagpapalang ngayon mo lang mararamdaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-25-30-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagkukulang ang nagbabawas, kaya ingatan mo na ang mabawas sa buhay mo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng saya at sigla. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-19-27-33-38.
CANCER (June 21-July 22) - Pabigla-bigla ang paglakas ng iyong likas na gayuma. Ang masayang balita ay nagsasabing ang paglakas ng iyong gayuma ay matataon kapag ang kaharap mo ay ang taong kailangan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-22-24-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi tinatamaan kapag walang konsentrasyon. Ituon mo ang lahat ng kakayahan mo sa gusto mong pagkakitaan. Ito ang susi mo sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-20-28-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pinapalagpas mo ang magagandang oportunidad dahil akala mo mahina ka at hindi mo kayang mag-isa ang mga problema. Ano ang solusyon? Eh ‘di tapangan at lakasan mo ang iyong loob! Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-23-33-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag ka nang mag-atubili na tanggapin ang alam mong may pakinabang. Ang kabagalan ay kadalasang pinanghihinayangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-27-30-36-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong tingnan ang pangit na katangian ng isang tao. Ang lahat naman ay may kahinaan. Ang bigyang-halaga mo ay kung paano siya makatutulong sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-15-26-32-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sukatin mo ang kaharap mo at huwag kang magtiwala sa mga naririnig mo lang. Ang dagdag na payo ay pag-aralan mong mabuti kung sino ang gusto mong maging bahagi ng buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-16-21-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka madadalian, iyon ang dapat mong piliin. Sobra na sa sapat ang mga pagsubok na kinaharap mo; wala nang puwang para madagdagan pa ang mga pasanin mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-20-24-31-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Matatangay ka ng mabibilis na pangyayari. Ang masayang balita ay nagsasabing masusumpungan mo na lang ang iyong sarili na yakap-yakap ang tunay mong kaligayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-11-19-28-30-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga mapagkunwari. Wala kang magandang makukuha sa kanila, at maaari ka pang mahawa at sa huli ay mawala sa iyo ang mahahalagang tao sa buhay mo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-2-7-17-25-39-42.



Comments