Horoscope | Abril 6, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 6, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 6, 2023 (Huwebes): Mananatili ang iyong kabataan kahit pa lumakad ang iyong mga panahon. Ang iyong kapalaran ay papaganda pa rin, anuman ang iyong maging buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na ang dating mga kaguluhan ng isip ay lilinaw. Ang mga problemang nagdaan ay masosolusyonan na. Ngingiti ang bagong umaga na may hatid na mas maunlad at maligayang araw. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-19-23-28-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ka humiling sa langit dahil ang araw na ito ay takdang araw para pagbigyan ang iyong maliliit at malalaking kahilingan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-17-22-26-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Sasaya ka dahil may magpapasaya sa iyo. Ito ay ingatan mo dahil ito ay may dala-dala ring suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-15-16-24-25-33.
CANCER (June 21-July 22) - Malaki ang tsansa mo sa mga pakikipagsapalaran. Natutuwa ang langit sa kababaang-loob na iyong ipinamalas noon hanggang ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-23-27-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gagamitin ka ngayon ng langit bilang daluyan ng mga biyaya at pagpapala. Sumunod ka at huwag umangal dahil pagbalik ng langit, ikaw ang tatanggap ng malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-18-20-21-23-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyado kang nabihag ng mga salitang masarap pakinggan, pero ang mga ‘yun ay para lang makuha ka at tuluyang mapunta sa gumagamit ng mga salita ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-5-16-28-31-32-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Libangin mo ang iyong sarili para makawala ka sa pagkakabihag. Tutukan mo ang ibang bagay na malayo sa mga taong nagbibigay sa iyo ng problema. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-17-22-25-31-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pilit mong ginagamit ang iyong isip sa pag-aakalang nasa tama ka. Pero ang totoo, iba ang sinasabi ng damdamin na siya mismong magkakatotoo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-14-25-27-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon, papaganda na ang takbo ng buhay mo. Magtiwala ka lang sa iyong sarili. Ang taong may tiwala sa sarili ay gumaganda ang kapalaran at umaayos ang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-15- 20-30-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Habang ikaw ay nagsiskap, madodoble ang iyong suwerte at lalago ang iyong ari-arian na kasing dami ng mga bituin at kasing kapal ng mga damo sa parang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-26-27-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Parang lumilipad ang isip mo dahil sa pagpapantasya. Hindi ka puwedeng sisihin dahil kahit sino ay nawawala ang lungkot sa pagpapantasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-3-10-11-14-25-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gawin mo ang gusto mo dahil mali kung gagawin mo ang gusto ng iba, hindi ka sasaya. Ang payo ng kapalaran ay sundin mo ang sinasabi ng iyong sarili at lumaya ka sa dikta ng kapwa mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-9-17-24-38-40.




Comments