top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Abril 5, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 5, 2023



Sa may kaarawan ngayong Abril 5, 2023 (Miyerkules): Isinilang ka para magbigay ng saya at ligaya. Ang hindi mo alam, ikaw ang saya at ligaya ng ibang tao, kaya lang minsan malulungkot ka rin pero muli kang pasasayahin ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Ihip ng hangin ang kailangan mo sa ngayon upang magpatuloy ang iyong sigla. Puwede ka rin mag-outing at mag-swimming kasama ang mga barkada, upang ang sigla at lakas mo ay manariwa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-29-30-33-36-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikilos mo ang katawan mo at makakaasa ka na kikilos din ang mga suwerte mo. Gumalaw ka at gagalaw din ang mga suwerte. Hindi puwede na natutulog ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-21-23-28-39-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na aalisin na ng langit ang mga nagdaang problema at suliranin. Magiging bagong nilalang ka ngayon. Magpasalamat lagi sa itaas, upang magtuluy-tuloy ang ligaya at suwerteng matatanggap mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-22-25-37-40-42.


CANCER (June 21-July 22) - Samantalahin mo lang ang araw ngayon, magugulat ka na lang at mabilis mo ng nalulutas ang iyong mga suliranin. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-28-31-32-37-38.


LEO (July 23-Aug. 22) -Huwag kang malito, ang tunay na kailangan mo ay ang mas magpapatatag sa kinabukasan mo, at ‘di ang mga panandalian magagandang bagay lamang. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-15-16-25-26-33.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itutok mo ang lahat ng lakas mo sa negosyo. Ngayon ang mga araw na puwedeng lumago ng husto ang iyong kabuhayan, at ‘di dapat masayang ang pagkakataon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-21-24-27-34-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Mawawala ang pakiramdam mo na tatalunin ka ng lungkot, dahil lahat ng suwerteng ibibigay ng langit ay saiyo mapupunta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-17-20-22-25-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na habang nakikipaglaban ka, tuluy-tuloy ang sulak ng iyong sigla at ang dating ng magagandang kapalaran sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-24-26-33-39-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Patuloy na papabor sa iyo ang langit. Ibig sabihin ‘di makakaporma ang iyong mga kakompitensya at hindi rin makakalapit sa iyo ang sinumang sisira sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-27-29-30-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aalisin ng langit ang lungkot sa pamamagitan ng pagreregalo ng mga panalo. Pahalagahan mo ang mga biyayang ipagkakaloob sa iyo. Ito ang menshe ng iyong kapalaran. Mauswerteng kulay-Pink, Tips sa lotto; 15-22-25-27-35-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, doon ka! Ang totoo, kahit hindi mo naman maalala ang mga salitang ito, ito rin naman ang isasabuhay mo. Sapagkat bagay na bagay ito sa kapalaran. Masuwerteng kulay-Beige. Tips sa lotto; 11-19-21-25-29-35..


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong balikan ang nakaraan. Bakit ka papatali sa nagdaan? Ang kinabukasan ay ang nasa harapan mo ngayon. Wala sa likuran ! Muli huwag balikan ang nakaran? Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-Blue.Tips sa lotto; 16-20-24-27-38-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page