top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Abril 5, 2021 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 5, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 05, 2021



Sa may kaarawan ngayong Abril 5, 2021 (Lunes): Sa negosyo ka yayaman kaya magnegosyo ka. Ito rin ang lihim na dahilan kung bakit hindi ka nagtatagal sa pamamasukan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magiging mabilis ang mga kaganapan sa iyong buhay. Dapat ay alerto ka sa mga pagkakataong puwedeng mas umabante pa ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-20-23-33-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madali kang mapapapayag ngayon ng mga nagsasalita ng magaganda pero ang layunin ay dayain ka. Ipinapayo na bago ka magpasya, kumonsulta ka sa iyong pinagkakatiwalaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-25-30-35-41-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Gagana ngayon ang iyong mga suwerte. Mapapahiya ang mga nag-aakalang sila ay mas masuwerte kaysa sa iyo. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-8-14-29-24-41.


CANCER (June 21-July 22) - Mapapapayag ka sa hindi mo gusto dahil mahina ka ngayon. Pero sa ibang araw, malakas ka at ang hindi mo ginusto ay matatakasan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-17-20-24-31-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kumikita ng maganda sa mabilisang paraan, pero ang mas magandang kita ay nagmumula sa mahabang paghihintay na lumaki nang lumaki ang kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-11-13-22-24-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang mga suwerteng mapasasaiyo, pero luwagan mo rin ang hawak kapag ilalagay mo sa tunay na negosyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-24-28-38-41-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mawawala ang lungkot na noon mo pa yakap-yakap. Dumating na ang mga araw para sa bago at masayang pakikipagsapalaran kung saan makalilimutan mo ang nakaraan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-23-28-36-43-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang may hawak sa barahang alas, siya ang mananalo. Alas ang hawak mo ngayon. Labanan mo ang mga hamon ng iyong kapalaran dahil wala kang talo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-15-26-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dagdag na kita ang para sa iyo ngayon kung saan kapag pag-aaralan mo ang mga dagdag na kikitain ay puwedeng maging malaki ang iyong kaban-yaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-18-20-24-28.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Limitahan mo lang ang kilos mo sa pagpapalago ng negosyo. Huwag ka nang makialam sa ibang bagay maliban lang sa pagpapayaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-25-39-40-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magbabago ka ng pasya, pero hindi naman ito nakagugulat dahil madalas mong iniiba ang iyong sinasabi. Ang masayang balita ay nagsasabing tama ang pasya mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-24-25-30-31-46.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang matakot. Dagdagan mo pa ang taya mo sa negosyo kahit sa mga nakaraang araw ay parang hindi ka buwenas. Ito ay sa dahilang magsisimula na naman ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-6-21-33-39-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page