Horoscope | Abril 4, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 4, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 4, 2023 (Martes): Ito ang araw na tutugunan ng langit ang mga pangangailangan mo. Humiling ka lang nang humiling at ito ay magkakatotoo. Ito ang payo ng iyong kapalaran na kailangan mong pakinggan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong intindihin ang kilos ng taong nasa paligid mo. Ang mahalaga ay ang mga sarili mong kilos na dapat ay hindi mahinto dahil lang sa inis. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-25-29-30-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Paunlarin mo ang iyong magagandang katangian. Ito ang magdadala sa iyo sa mas maraming tagumpay, maligaya, at masaganang pamumuhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-17-22-26-33-28.
GEMINI (May 21-June 20) - Suriin mong mabuti ang mga motibo ng makakaharap mo upang ‘di ka magamit ng ibang tao. Mas maganda kung sila ang gagamitin mo para sa mga gusto mong abutin sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-23-25-37-39.
CANCER (June 21-July 22) -Nasasayang ang mga binhi kapag hindi nadidiligan. Alagaan at paunlarin mo ang mga suwerteng sumaiyo, makakaasa ka na ang mga ito ay lalago hanggang sa umani ka ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-22-24-26-35-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na mauulit ang nakaraan. Mamamangha ka dahil ang dati na akala mo’y mali ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-19-22-29-31-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng magandang ideya sa mga tao na iyong makikilala, at makikita mo na tama siya. Ang nakakagulat, ikaw na ang kanyang gagayahin. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-17-21-28-35-37-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na magbabalik ang dating romansa. Hindi ito dapat palampasin at dapat sunggaban agad. Tandaan, minsan lang dumating sa buhay ng tao ang nakakakilig na karanasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-23-26-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang suwerte mo. Huwag mong isipin na walang nangyayari sa buhay mo. Mas gaganda ang takbo ng iyong buhay kung ang mga pananaw mo ay positibo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-18-22-26-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi naman mahirap sumulong, lalo na pagdating sa pangkabuhayan. Ituloy mo lang ang magagandang nasimulan at huwag kang hihinto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-20-21-24-27-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bago ka makarating sa dulo ng tagumpay, may mga haharapin kang hadlang. Lihim kang magpasalamat kapag may kumokontra sa iyo dahil ibig sabihin, nasa tamang landas ka at papalapit sa tagumpay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-29-30-34-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maraming pagsasaya, mas maraming suwerte ang darating sa buhay mo. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Huwag mong pakinggan ang mga nagsasabing mamahinga ka sa pagsasaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-23-29-32-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong talikuran ang iyong suwerte. Sa halip, lapitan at yakapin mo ito. Siya’y isang mahiyain at ‘di makapagsalita. Kilala mo na siya, ‘di ba? Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-21-24-28-38-42.




Comments