Horoscope | Abril 30, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 30, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 30, 2023 (Linggo): Patuloy kang iaangat ng iyong kapalaran hanggang sa pinakamataas na antas ng iyong buhay. Panatilihin mong nakasayad ang iyong mga paa sa lupa. Anumang matamo mong gantimpala, manatili kang mapagkumbaba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong makasakit ng damdamin ng iba dahil minsan nang nasaktan ang iyong puso at ‘di mo gugustuhing mangyari itong muli. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-17-20-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gumawa ka ng maganda sa kapwa mo dahil ayon sa kapalaran, kapag napasaya mo ang isang tao, gagantimpalaan ka ng langit ng malaking halaga. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-27-28-32-35-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Huhusgahan ka ngayon ng ibang tao. Huwag mo silang pansinin dahil ang mga ito ay walang nakikitang maganda sa kapwa nila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-15-23-26-34.
CANCER (June 21-July 22) - Sa ‘di sinasadyang panahon, matutulungan mo ang mga taong nagnanais na umasenso. Ang mga payo mo ay magsisilbing tanglaw para sa kanilang mga pangarap. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-11-19-21-29-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ang nauuna ay mapupunta sa huli, ang pangalawa ay mapupunta sa unahan. Sa ngayon, nasa pangalawa ka kaya walang duda na aangat ka. Magpasalamat ka sa itaas upang tuluy-tuloy kang suwertehin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-26-28-36-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit ayaw mong ilabas ang iyong galing? Kailan mo pa ito ipapakita? Ipakita mo na ito ngayon dahil ito ang magandang pagkakataon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-18-29-39-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil ang lihim na pangako ng nagmamahal sa iyo ay ‘di ka niya iiwan at isasama ka niya sa pag-asenso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-23-25-26-37-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pinoprotektahan ka ngayon ng iyong kapalaran. Kahit ikaw ay mabigo, wala silang magagawa kundi ang mapahiya sa kanilang mga sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-9-15-27- 34-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maghanap ka ng bagong ideya dahil ang kasalukuyang pormula mo ay humihina na. Ito ay nangangahulugang kailangan mo nang palitan ng mas angkop at napapanahon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-21-26-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Simple lang ang susi para ikaw ay umunlad. Makisama ka sa mga nasa itaas at gawin ang kanilang mga ginagawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-25-27-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong tangayin ng hangin ang lungkot na iyong nararamdaman. Huwag kang tumulad sa iba na pilit na binabalik-balikan ang sanhi ng kanilang kalungkutan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-14-27-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakabukas ang pintuan ng grasya para sa iyo na nangangahulugang kapag humiling ka, dagli itong ihuhulog sa iyong harapan. Kaya ano pa ang iyong hinihintay? Hiling na! Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-26-33-35-38.




Comments