Horoscope | Abril 30, 2021 (Biyernes)
- BULGAR
- Apr 30, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 30, 2021
Sa may kaarawan ngayong Abril 30, 2021 (Biyernes): Huwag mong tanggihan ang pagtatalaga sa iyo sa matataas na posisyon. Ikaw ay isinilang para mamahala at mangasiwa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sundin mo ang dikta ng iyong isip kahit may ilang masasaktan ang kalooban. Sa huli, mauunawaan din nila na ang pasya mo ay para sa ikabubuti ng lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-10-22-26-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang mga hamon ng iyong kapalaran at huwag mong atrasan. Nakaharap mo na nang mukhaan ang kabiguan sa nakaraan, kaya walang dahilan para ikaw ay matakot. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-20-37-40-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Ikaw na iwas nang iwas at parang nagtatago ay tatawagin at ilalagay sa harapan na ang ibig sabihin, malalantad ang iyong galing at husay. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-15-29-33-38-43-46.
CANCER (June 21-July 22) - Narinig mo na ba ang isang pormula ng tagumpay na nagsasabing mabuhay ka na parang ngayon na ang iyong huling araw? Bukas pagkagising mo, sobrang dami na ng iyong yaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-20-25-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Totoo at ito ay alam mo na kapag natatalbusan ang halaman ay mas lumalago. Ngayon, mamigay ka kahit malayo pa ang kaarawan mo, gayundin ang Kapaskuhan nang sa gayun ay mabilis na gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-25-36-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinihintay ka na ng iyong mga tagumpay. Kumilos ka nang tugma sa iyong pangarap. Bawat kilos mo ay dapat nakatutok sa pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-14-28-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magagamit mo ang iyong kakaibang ganda, pero gamitin mo ito upang ikaw ay makaipon. Iwasan mong magamit ito sa walang kuwentang bagay at isa pang paalala, huwag kang magpapagamit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-23-39-40-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit kaya mong mag-isa ang mga gawain, mas maganda pa rin na kumuha ka ng makatutulong sa iyo. Sa ganitong paraan, hindi ka masosobrahan sa trabaho. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-13-29-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sobrang magiging masigasig ka. Huwag mong kalilimutan na dapat alerto ka sa anumang pagbabago sa mga kaganapan nang hindi ka masurpresa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-15-17-23-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inihahanda na ng langit ang maagang mga regalo mo. Ibig sabihin, kahit malayo pa ang iyong kaarawan, pagkakalooban ka na ng mga biyaya at pagpapala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-9-11-15-17-26.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masaya ang buhay mo, pero mas pasasayahin pa ito ng langit. Alam mo ba kung bakit? Dahil kapag masaya ka, marami ang sumasaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-18-21-23-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Habang maganda ang takbo ng kapalaran mo, paghandaan mo ang iyong kinabukasan. Hindi dapat mabuhay ang tao na tanging nasa isip ay ang kanyang kasalukuyan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-14-24-35-44.




Comments