top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 29, 2024 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika- 29 Araw ng Abril 2024




Sa may kaarawan ngayong Abril 29, 2024 (Lunes): Malakas ngayon ang iyong pandama. Mabilis mong makukuha ang tunay na motibo ng mga taong nakakaharap mo. Kaya walang dahilan upang maisahan ka nila.


 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kontrolin mo ang iyong emosyon. Kapag hindi nakokontrol ng tao ang kanyang damdamin, madalas na nakakagawa siya ng mga bagay na ‘di mabuti. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-19-24-28-30-33.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling lalakas ang iyong gayuma. Sa katunayan, bawal ka magtagal sa salamin dahil baka humanga ka rin sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-29-31-36-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag ka na makisali sa magulong sitwasyon. Ang maganda para sa iyo ay magsaya nang magsaya kesa na makihalo sa mga problema ng mga kaibigan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-25-35-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ngayon ang araw para hilingin sa langit ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-22-28-34-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo magagawa ngayon ang mga gusto mong gawin dahil tatalunin ka ngayon ng awa. Huwag mo nang ipilit ang masama mong binabalak. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-13-27-31-38-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aatakihin ka ng mga lungkot kahit pa magsaya ka, hindi ka nila lalayuan. Ang solusyon ay halungkatin mo ang mga naitago mong masasayang alaala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-21-24-33-39.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang magagandang katangian mo, dahil lahat ng ito ay mapapasaiyo. Ito ang sikreto ng kapalaran kaya walang dahilan upang hindi ka magkaroon ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-20-34-41-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ngayon ang kapalaran mo. Isang pribilehiyo ito para mabago ang buhay mo. Huwag mo itong sayangin. Muli, hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-20-26-35-37-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli, magparaya ka sa mga taong mahihina. Hindi kahinaan sa panig mo ang paminsan-minsang pagpaparaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-9-12-29-33-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pansinin mo ngayong araw ang magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo. Mali na kapag ang pinagtuunan mo ng pansin ay ang mga kabiguan na kasalukuyan mong nararanasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-17-23-30-35-45

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, roon ka! Dapat mong takasan ang mga taong nagbibigay ng pasakit sa iyo. Ang isa pang payo para sa iyo, mahalin mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-15-22-25-32.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mabahala, at alisin mo ang iyong takot!  Kumikilos ang langit upang gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-16-29-30-35.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page