Horoscope | Abril 29, 2021 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 29, 2021
Sa may kaarawan ngayong Abril 29, 2021 (Huwebes): Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte dahil kabilang ka sa mga taong likas na mapalad. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magaan mong magagawa ang anumang gusto mo. Dahil ang langit ay noon pa nagpasya na sa mga araw na ito, ang mga sagabal sa buhay mo, tao man o pangyayari ay aalisin at hindi na makagugulo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-8-11-18-20-24.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pakiramdaman mo ang iyong sarili. Kapag sumaya ka, ibig sabihin ay susuwertehin ka. Kung malungkot ka, ipagpaliban muna ang mahahalagang gawain mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-17-24-29-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumuha ka ng sigla sa taong masigla. Hindi lamang ang mga karamdaman ang nakakahawa dahil ang sigla ay ganundin. Kapag masigla ka, mabilis mong magagawa ang anumang bagay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-21-32-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Dadagdagan pa ng langit ang mga biyaya na kaloob sa iyo. Padadalhan ka pa ng mga taong malaki ang maitutulong upang matupad ang malalaking pangarap mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-16-24-26-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong isuko ang iyong pananalo. Ituloy mo ang laban dahil kahit mahirapan ka, ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na ikaw ay mananaig at ikaw ang may hawak ng huling halakhak. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-15-22-26-35-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi pa hihinto ang agos ng magagandang kapalaran para sa iyo. Ang nararanasan mong mga hadlang ay pansamantala lamang at hindi magtatagal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-30-32-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit may sumalungat sa mga kagustuhan mo, huwag kang magpaawat. Higit kaninuman, ikaw lang ang may karapatan sa mga gusto mong gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-26-35-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang iyong kailangan. Kahit magaganda ang bunga ng kilos mo, mahalaga na ikaw ay mamahinga nang sa gayun ay manumbalik ang lakas at sigla mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-20-22-25-30-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tutukan mo ang iyong ginagawa. Sa pagtutok, ang plano ay magagawa nang kahanga-hanga at nakakamangha. Tutukan mo ang ginagawa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-24-28-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maraming nakaliligtaan ang sobrang mabilis kumilos, kaya marami ang dapat balikan. Magdahan-dahan ka at ‘wag magmadali at ikaw na mismo ang bibilib sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-23-39-40-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tawanan mo lang ang mga taong kung ano-ano ang sinasabi sa iyo. Bakit ka magpapaapekto kanila? Hayaan mong magsawa sila sa kasasalita dahil ‘yun lang naman ang kanilang magagawa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-14-18-20-25-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo, kaya mararamdaman mo na parang walang galaw ang iyong buhay. Sa muling pagbabalik ng mga ito, labis kang matutuwa na tila lumilindol ng buwenas at magagandang kapalaran dahil sa sobrang lakas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-19-28-39-40-42.




Comments