Horoscope | Abril 28, 2025 (Lunes)
- BULGAR
- Apr 28
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 28, 2025

Sa may kaarawan ngayong Abril 28, 2025 (Lunes): Marami ang magugulat dahil uulanin ka ng mga suwerte ngayon. Ingatan at pahalagahan mo ito upang ‘di mawala sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maglaan ka ng ilang sandali upang mapag-isa at manahimik. Sa ganitong paraan, papasok sa isip mo ang isang bagong pormula ng tagumpay na magpapayaman sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-18-21-33-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagmamadali ang ilang malalaking suwerte na lumapit sa iyo. Kaya agad mong itakwil ang mga hindi magandang gawi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-24-30-35-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi man malalaki ang mga suwerteng mapapasaiyo, marami at sunud-sunod naman ang mga ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-21-25-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Malaking alalay ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Walang kapalit at walang bayad. Ang hinihiling lamang ay manatili kang mabuti sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-26-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon na darating ang maliliit at malalaking suwerte mo. Para hindi ito masayang, mas mabuting ilagay mo ito sa negosyo na gusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-19-28-30-35-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran ngayon. Kapag masaya ka, lalo kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-10-16-21-25-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ito isang gabay, kundi isang paalala. Gustuhin mo man o hindi, matutukso ka ngayong gumastos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-27-29-32-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong panghinayangan ang mga mawawala sa iyo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-26-33-36-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakagulat ang buhay minsan. Ang tutulong sa iyo ay maaaring manggaling sa mga taong sa una ay hindi mo inaasahan, o tila walang kakayahan sa iyong paningin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-25-28-31-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag puno na ang lagayan, hindi na ito maaari pang dagdagan. Kaya ang ibang bagay na hindi mo naman kailangan ay ipamigay mo na upang magkaroon ng puwang para sa mga bagong suwerte at biyaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-22-25-38-40-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka na parang nasa iyo na ang matagal mong minimithi. Magugulat ka, mabilis itong mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-13-16-21-25-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sa wakas, masasabi mong hindi pala bingi ang langit. Matutupad na lahat ng pinapangarap mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-18-20-29-36.
Comments