top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 28, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika- 28 Araw ng Abril 2024




Sa may kaarawan ngayong Abril 28, 2024 (Linggo): Kabilang ka sa mga masuwerte. Kaya kusang dadapo sa iyo ang magagandang kapalaran.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dadalawin ka ng suwerte. Marami ito at ang iba ay mananatili sa iyo hanggang sa lubusang matupad ang mga ambisyon mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-28-30-33-36.


 TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka masaya, roon ka. Dahil sa tuwing nasisiyahan ka, ang magagandang bagay ay agad na magdaratingan sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-20-26-39-40-45..


GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka sa mga paladaing, hindi dahil maiisahan ka na naman kundi dahil sila ay tulad ng sakit na nakakahawa. Ito ang mensahe at payo ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-17-21-23-28-34.


CANCER (June 21-July 22) - Isuot mo ang paborito mong damit kahit medyo luma na, ito ang magsisilbi mong pampasuwerte ngayon. Gawin mo ito, ngayon na. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-25-26-33-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka ngayon at lalo kang susuwertehin kapag may mga taong hindi naniniwala na masuwerte ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-23-30-39-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilabas mo ang bagay na buo pa pero sobrang luma na nasa iyong taguan. Kahit hindi mo ito gamitin, guguhit pa rin sa kapalaran mo ang nakakamanghang mga suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-13-25-27-37-42.


 LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap gawin, pero ‘pag nagawa mo, malalaking suwerte ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-20-28-31-35-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Namamahinga lang ang mga suwerte at kapag nakapagpahinga na ito, hindi lang ikaw ang mamamangha at magugulat dahil ang lahat ay makikinabang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-24-29-30-33-38.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tanggapin mo ang ibibigay sa iyo kahit hindi mo kailangan, ito mismo ang magsisilbi mong pampasuwerte sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-22-29-38-40-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mahalaga kung hindi ka kikilos para sa iyong pangarap. Dahil noon pa man, nagpasya na ang langit na mapapasaiyo pa rin ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-15-29-32-36-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi maganda na mag-isa ka lang mamasyal dahil ang mga suwerte ay guguhit pa rin sa kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-24-28-38-42. 


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magbawas ka ng ilang gamit na bihira mo nang gamitin. Ipamigay mo ito sa iyong kapwa, magugulat ka dahil bibigyan ka rin ng langit ng mga makabagong kagamitan na labis mong ikakatuwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-19-21-25-29-33.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page