Horoscope | Abril 28, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 28, 2021
Sa may kaarawan ngayong Abril 28, 2021 (Miyerkules): Napabilang ka sa masusuwerteng nilalang na palaging inaalalayan ng langit, samantalang ang iba ay umaangal dahil ayon sa kanila ay pinagdadamutan sila ng suwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng saya ang iyong buhay dahil hindi makakabuti sa tao ang sobrang seryoso at tutok na tutok sa materyal na mga bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-28-30-32-36-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanap ka ng aaliw sa iyo tulad ng masayahing kaibigan, maharot at palabiro. Hindi puwede na manatili ka sa lungkot sa loob ng mahabang araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-17-24-34-38-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Sa iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating, pero habang nagsasaya ka, hindi mo dapat kalimutan ang paghahanda sa iyong kinabukasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-16-23-25-30-31.
CANCER (June 21-July 22) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit at para mas malaki at marami ang mapasaiyo, una mong gawin ay pasayahin ang alam mong nangangailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-21-28-32-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magpakababa ka at itataas ka ng langit. Ang maganda pa ay ang patatagin ang iyong kabuhayan na hindi makaaapekto sa iyo ang pandaraya ng iyong kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-20-27-32-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Habang nagsasaya ka, kumuha ka ng magagandang pormula ng tagumpay sa mga taong iyong makakadaupang-palad at ang pinakamahalaga sa lahat ay iyong isabuhay ang nakuha mong pormula. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-15-26-30-36-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ang magarbong kasuotan dahil kahit simple ka lang, hindi pa rin magiging simple ang iyong kagandahan, dahil iba talaga ang ganda mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-14-27-39-41-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malalim kang mag-isip, kaya lalayo sa iyo ang mga taong mababaw. Huwag mong ikalungkot dahil sa pakikisama at pakikipagkaibigan sa kanila, ikaw ay masyadong maiirita. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-16-20-21-25-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili. Masyadong matagal na ang iyong pagsasakripisyo, kaya mas magandang makipag-ugnayan ka sa alam mong sa kanya ka sasaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-13-18-29-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong ipangako ang bukas. Ngayon mo na kailangang itodo ang lahat ng kaya mo at kung dumating ang bukas, puwede ka nang mamahinga sa masarap mong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-25-27-34-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umagwat ka sa mga palakontra dahil baka ikaw ay mahawa at sa huli ay maging kontrabida ka sa sarili mong buhay kung saan ang magagandang bagay ay iyong aayawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-8-14-18-21-27.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masama ang magtanong, ang hindi maganda ay ang hindi na nga alam, pero ayaw pang magtanong. Huwag kang magkunawaring may alam ka sa mga bagay na bago lang naman sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-15-16-27-30-38.




Comments