Horoscope | Abril 27, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- Apr 27
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 27, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 27, 2026 (Lunes): Iisa lang naman ang kauuwian ng iyong kapalaran, at ito ay ang matagumpay na buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ibibigay sa iyo ng langit ang panalo. Kailangan mong maunawaan na ang panalo ay para sa mga nakikipaglaban, lalo na sa mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-20-27-33-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ng langit ng tapang. Kaya gamitin mo ito para sa makabuluhang bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-22-24-35-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Makikitang sobrang lakas ng loob mo. Huwag mong kakalimutan na maaari din itong sabayan ng talas ng isip. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-21-28-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Bago ang lahat, kailangan mo munang maunawaan ang katotohanang sa mundong ito, na ang higit na pinagpapala ay ang tulad mong may mabuting kalooban. Kaya huwag kang magbabago. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-16-25-30-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pansinin mo, sa tuwing dinadampot ang mga butil ng bigas, mas dumarami ang nalalaglag. Ngayon, makukuha mo ang pinakagusto mo, pero may mga bagay na kailangan mong isakripisyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-12-18-20-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap maunawaan ang buhay; madalas ay nakakatuwa at nagbibigay ng kakaibang saya. Gayunman, hindi mo makukuha ang gusto mo, pero labis mong ikagagalak ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-15-17-27-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghangad ka para magkaroon ka. Sa unang tingin, ito ay hindi maganda, pero ito ang katotohanan sa mundo. Totoo rin na ang hindi maghangad ay hindi magkakaroon at sila ay mapapabilang sa mga mahihirap. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-14-29-33-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lagi namang may kasunod ang lahat sa ibabaw ng lupa. Ang masuwerteng balita para sa iyo ay magkakasunud-sunod ang iyong buwenas. Magpasalamat ka lagi sa langit upang lalo ka pang buwenasin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-19-28-31-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ngayon ang panahon para magpalit ng pangarap. Sa ngayon, ipagpatuloy mo ang iyong pinapangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-23-30-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag dumaraan ang malakas na hangin, nabubuwal ang mahihinang puno. Sa ngayon, matatag at matibay ka, kaya kahit makaranas ka ng malalakas na bagyo ng kapalaran, mananatili ka pa ring nakatindig. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-17-24-27-32-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Noon pa man, ang pagpapalit ng mga panahon ay sinasalubong ng pagdiriwang. Kaya magsaya at magdiwang ka, dahil ang takdang panahon ng magagandang bagay para sa iyo ay magsisimula nang dumating. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-22-25-30-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humihina ang malakas at ang mahina ay lumalakas. Ito ang “batas ng kapalaran,” na nagsasabing lalakas ka at malalampasan mo anumang klase ng pagsubok sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-5-11-16-21-36.



Comments