top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 27, 2024 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika- 27 Araw ng Abril 2024




Sa may kaarawan ngayong Abril 27, 2024 (Sabado): Gamitin mo ang iyong lakas sa pagnenegosyo. Ingatan mo itong magamit sa pakikipag-away at basag-ulo.


 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawakan mo ang mga bagay na napakinabangan mo na. Huwag mo itong sayangin dahil hindi ngayon ang panahon upang mag-aksaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-27-33-39-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo ilabas ang iyong tapang upang makita ng mga taong nasa paligid mo na handa ka para paunlarin ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-24-35-40-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Masyado nang matagal at mahaba ang iyong pahinga, ngayon ang magandang pagkakataon upang magawa mo ang magagandang bagay na iniisip mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-23-32-38-41.


CANCER (June 21-July 22) - Huhusgahan ka ngayon ng mga matang akala mo’y hindi nagkakamali. Pero, ‘wag kang mag-alala dahil kikilos ang mga kamay ng langit upang sila’y mapahiya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-16-22-31-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang tagapagbalita ngayon ng tunay na kaganapan sa paligid. Ang maniniwala sa iyo ay mapapabuti habang ang mga taong hindi maniniwala sa iyo ay magsisisi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-20-25-29-34.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magtago. Muli kang bumuo ng bagong pangarap na kung saan ‘di ka mahihirapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lottto-5-18-21-27-33-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi nasusukat ang ligaya sa dami ng kabuhayan. Magpasalamat ka sa langit dahil ang kapanatagan at simpleng buhay ay iyong natatamasa ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-19-23-28-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Yakapin mo ang iyong buhay, at itakwil mo ang hindi pagkakaunawaan at kawalan ng ayos ng mga patakaran. Ito ang tunay na susi para makaiwas ka sa gulo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-24-33-40-45.

  

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumilipas ang lahat ng bagay sa mundo. Gayunman, ang pagiging maingat at malinis ay iyo pa ring isabuhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-21-24-33-45. 

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumapit ka sa mga makalumang tradisyon ng pag-iwas sa sakit. Ang modernong kaalaman ay kapos sa angkop na solusyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-19-26-37-43. 

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka nang kumilos, ngunit iwasan mong lumabas ng bahay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-22-28-33-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit ano’ng mangyari, kumain ka at ang kainin mo ay ang masustansya. Huwag mong hayaan na talunin ka ng kawalan ng gana. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-22-26-35-40.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page