top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Abril 27, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 27, 2023

Sa may kaarawan ngayong Abril 27, 2023 (Huwebes): Nag-aalab ang hangarin mo na ikaw ay yumaman. Dahil dito, dapat mong malaman na kayang-kaya mo ‘yan. Ginagaratiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ikaw ay yayaman.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na iyong pinakahihintay, kaya gawin mo na ang matagal mo nang balak gawin. Ngayon ang iyong pagkakataon upang patuloy na magwagi at magtagumpay, kaya ‘wag mo nang palagpasin pa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-21-27-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahirap mahanap ang ligaya, pero kung hindi maghahangad ng hindi naman kaya, ang ligaya ay mapapasaiyo. Samantala, alalahanin mo na ang hindi kuntento ay walang kaligayahang mapapala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-19-21-24-31-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Lahat ay kaya mong gawin sa pamamagitan ng bilis. Samantala, wala kang matatapos kapag babagal-bagal ka at puwede ka pang maunahan ng iba.

Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-24-25-32-37.


CANCER (June 21-July 22) - Muli, sarili mo ang mahigpit mong kalaban dahil inaawat ka para gawin ang mga unang hakbang para sa kaunlaran. Huwag kang magpatalo, kumilos ka ayon sa gusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-21-24-25-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo kailangan ang tulong ng iba dahil lahat ay kaya mo. At ayon sa iyo, tinutulungan ka ng iba, pero sa huling tuos, ikaw ang lugi at naisahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-24-26-30-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na muli kang hahamunin ng iyong kapalaran. Titingnan nito kung sapat na ang tapang mo para sugurin ang iyong mga pangarap. Dahil dito, tapang ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-25-27 -30-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang minsang kinainisan mo nang todo, siya pa ang mamahalin mo nang husto ngayon. Sasabihin mo na ang tadhana pala ay sadyang mapagbiro. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-21-29-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maraming bagay sa mundo ang nakakatuwa na nagbibigay ng kakaibang saya, kaya wala kang karapatan na sobrang malungkot. Tumingin ka sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-16-22-25-28-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Natututo ang tao sa pakikinig. Ngayon, hindi ka lang matututo sa maririnig mo dahil ikaw din ay iibig dahil sa mga ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-20-21-28-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo kung saan ka makikinabang. Hindi na puwede ang iyong nakaugalian na kahit wala kang napapala, basta masaya ka ay ayos na. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-23-25-30-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Agad na susuko ang mga lantad mong kaaway dahil sa tapang mo, pero ang kapalit ay ang paghina ng iyong kalusugan. Maganda na hindi binibigla ang kaaway. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-26-27-33-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na dobleng suwerte ang ipagkakaloob ng langit. Palagi kang magpasalamat at bigyan ng lihim na tulong ang isang kakilala mo na labis na nangangailangan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-18-21-24-28-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page