Horoscope | Abril 26, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 26, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 26, 2023 (Miyerkules):
Ang bawat hirap at pagsisikap mo ay may matamis na bunga. Sa huli, sobra pa ang ligaya na iyong matatamasa. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumaban ka sa hamon ng kapalaran. Natatandaan mo pa ba na sa tuwing lumalaban ka, iisa lang ang resulta? Ito ay walang iba kundi ang pagkapanalo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-29-30-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging matatag ka, ‘yan ang kailangan mo ngayon upang gumanda ang iyong buhay. Hindi na kailangang sugurin ang hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-18-22-26-30-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahirap paniwalaan, pero madalas ay nakukuha ang isang bagay sa pag-atras at pag-abante, habang madalas na nabibigo ang abante nang abante. Ito ang mensahe sa iyo ng araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-13-27-30-33.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na inilaan sa iyo. Anumang ikilos mo, tuluy-tuloy pa rin ang iyong pag-asenso. Kaya ano pa ang ginagawa mo? Kumilos ka na. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-26-39-40-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating ngayong tag-init. Kaya dapat ingatan mo ang iyong kalusugan, upang ang suwerteng paparating ay mapakinabangan mo nang husto. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-17-23-27-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Madalas na magkamali ang mga tao dahil ang inaakala nilang hindi nila kaya ay sobrang dali lang pala. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-22-28-32-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umiwas ka kung nagagalit ka. Mas maganda ang tahimik at malayo sa mga intriga. Huwag mong pansinin ang mga naiinggit sa tinatamasa mong magandang buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-16-17-28-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na aakalain mong ang mga pangyayari ay hindi pumapabor sa mga kagustuhan mo. Ngunit sa huli, ito pala ang kailangang-kailangan mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-9-10-12-14-28-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magbabago at ‘wag kang magpadaya. Mas makakabuti sa iyo na ituloy ang kasalukuyang diskarte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-15-29-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Espesyal sa iyo ang araw na ito. Kung ano ang kailangan mo ay ipagkakaloob ng nasa itaas. Ito ang masuwerteng balita ng kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-17-20-21-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iihip ang hangin kaya sasaya ang iyong pakiramdam. Sa muling ang pag-ihip ng hangin, ang love life mo ay magbabago. Kung dati ay malungkot, ngayon ay mapapalitan ito ng ligaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-9-26-27-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mag-alala sa mga gastusin. Alam ng langit ang lahat ng nangyayari sa buhay mo. Langit din ang bahalang magpalit at magdagdag sa nabawas na halaga sa iyong kaban-yaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-26-30-32-33.




Comments