Horoscope | Abril 26, 2021 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 26, 2021
Sa may kaarawan ngayong Abril 26, 2021 (Lunes): Aakalain mong wala kang gaanong suwerte at ito ay sa dahilang hindi sinasadya na ang iyong suwerte ay pinagagamit mo sa iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pinatatag ka ng iyong kapalaran. Mas malalaki at mabibigat na suwerte ang inilaan sa iyo na kung mahina ka’y masasayang at mababalewala lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-20-25-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malilito ka dahil ang mga suwerte na para sa iyo ay aakalain mong pangit na kaganapan. Gayunman, sa huli ay sobrang matutuwa ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-17-25-29-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng iyong mundo dahil sa sobrang dami ng iniisip mo. Bilang paalala, kapag gumagana ang isip, ang katawan ay halos ayaw gumalaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-21-24-25-34.
CANCER (June 21-July 22) - Mahimala kang lalakas at kung nagkataong may sakit ka, madarama mong magaling ka na. Kung nagkataon namang akala mo ay malas ka, ikaw pala ay buwenas na buwenas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-15-19-28-30-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mapapalaban ka ngayon at ang nakagugulat, ang makakalaban mo ay ang iyong anino. Ibig sabihin, taglay niya ang iyong kahinaan. Ito mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-14-21-28-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikilos mo ang iyong katawan. Ito ang sikreto ng maayos na kalusugan. Ang hindi pagkilos ng iyong katawan ay susi sa pagkakaroon ng karamdaman. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-22-27-33-37-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap paniwalaan ang utos ng iyong kapalaran na gawin mo ang ayaw mong gawin. Ngunit kapag nasunod mo ay magugulat ka at sasabihin mong dapat noon ka pa sana umasenso nang husto. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-22-29-30-40-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Talasan mo ang iyong isip. May ginagawa ang iyong kapwa na kapag ikaw mismo ang gumawa ay mahihigitan mo kung ano ang mga biyayang kanilang tinatamasa ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-21-26-37-34-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dumikit ka sa alam mong may mapakikinabangan ka. Lumayo ka sa alam mong dehado ka. Ito ang nasa kasabihang mahahawa ang tao sa mga nasa kanyang paligid. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-25-28-32-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling dumating ang mga araw kung kailan mapabibilang ka sa mapapalad na nilalang. Ibahagi mo ang iyong mga suwerte sa nakatulong sa iyo noong ikaw ay nasa kagipitan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-26-31-37-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pabalik-balik lang naman ang hangin na para bang wala siyang nararating. Kung hindi ka mangangarap ng malaki, matutulad ka sa hangin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-28-37-39-40-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Habang nakikipaglaban ka, buksan mo ang iyong isipan dahil may magagandang bagay kang makikita sa iyong kalaban na kung iyong isasabuhay, aangat nang husto ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-25-31-32.




Comments