Horoscope | Abril 25, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- 11 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 25, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 25, 2026 (Sabado): Taglay mo ang malikhaing kaisipan. Kaya hindi nakapagtataka kung makakabuo ka ng bago at kakaibang pormula. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na pagpapalain ka ng langit. Sa isang hindi kapani-paniwalang sitwasyon, isa-isang darating at matutupad ang lahat ng kahilingan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-19-23-27-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagpapalaki ng negosyo ang dagdag-puhunan, at ang pagsusumikap ang nagpapatatag sa lumalaking hanapbuhay. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-8-18-20-28-32-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon mo palawakin ang iyong negosyo. Maghanap ka ng lugar na puwede mong paglagyan ng dagdag pang negosyo. Ang araw na ito ay pumapabor sa pagtatayo ng mga sangay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-25-29-33-41.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi maganda ang mapaghinala. Mas maganda ang magtiwala. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-olive green. Tips sa lotto-7-16-22-31-36-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, ipinaalala sa iyo na ang anumang sobra ay hindi maganda. Kaya anumang sobra sa iyo, ipamigay mo. Sa ganitong paraan, lalo kang pagpapalain ng langit. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-3-18-27-32-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka puwedeng magtagal sa iisang lugar. Mas maganda kung tayo, upo, at lakad ang gawin mo. Ito ang sikreto upang ang suwerte ay patuloy na dumapo sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-13-22-26-33-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simpleng buhay ang kailangan mo. Ang anumang kalabisan ay nagbabadya ng problema. Magsimula ka sa simpleng pamumuhay ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-28-30-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bilangin mo muna lahat bago ka sumugal ng isa pang negosyo. Sa ganitong paraan, masusukat mo ang kakayahan mo kung hanggang saan ka lang. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-16-21-25-38-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya. Kahit ano sa mga ito ang lakipan mo ng pagkilos, makakaasa ka na malayo ang iyong mararating. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-12-24-29-32-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagtatalo ang isip mo kung susugod pa ba para mabago ang buhay mo. Sa bawat pagsugod, ang kailangan ay lakas ng loob. Lakasan mo ang iyong loob, dahil sa ngayon, abot-kamay mo na ang pag-unlad at malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-18-26-31-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Minsan, hindi naman ibang tao ang nandaraya sa atin. Tulad ngayon, makikitang dinadaya mo na naman ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-7-17-28-30-38-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Kaya kahit simpleng hiling lang ang gawin, tiyak na matutupad at magkakatotoo ito. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-4-16-25-29-36-40.



Comments