top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 25, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika- 25 Araw ng Abril 2024


Sa may kaarawan ngayong Abril 25, 2024 (Huwebes): Malayo ang iyong mararating. Ibig sabihin, magtatagumpay ka sa buhay at hindi lang isang larangan ang iyong mapagtatagumpayan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong imahinasyon. Malaki ang maitutulong nito sa pagpapaganda ng takbo ng iyong negosyo. Gayundin, malaki ang kikitain mo rito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-24-33-39-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dito sa mundo, ang lahat ay nagkokopyahan. Kaya hindi masamang mangopya, lalo na kung ito ay paparisan mo ng pormula na magpapaunlad sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-27-30-40-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Makikitang naglalaro ang iyong isipan sa mga puwede mong gawin na magbibigay sa iyo ng kasiyahan. Hindi ka puwedeng maglaro lang, dahil kailangan mong mamili sa mga ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-19-23-33-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Madali kang mapapaniwala sa mga pagkakakitaan na sa biglang tingin ay mabilis kang yayaman. Ang payo ay nagsasabing huwag kang sumuko, sa halip, layuan mo agad sila. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-11-20-25-29-35.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Isip ang iyong sundin at huwag ang iyong damdamin. Hindi basta-basta sumusugod ang mga taong nag-iisip kaya ang pagkakamali at pagsisisi sa huli ay kanilang naiiwasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-10-19-28-37-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Intindihin mong mabuti ang mga payo ng mga kaibigan mo dahil sila ang higit na nakakakilala sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-13-17-26-32-38.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang mga kaganapan. Aakalain mong ikaw ay napaniwala pero ang totoo, mahilig ka lang naman magpasakay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-15-19-21-25-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Namumuo gaya ng bagyo ang iyong suwerte. Hindi pa man aktuwal na dadapo sa iyo, may mga ilang palatandaan na ang buhay mo ay papaganda nang papaganda kesa sa iba. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-24-27-39-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami kang matututunan sa pakikinig sa mga kuwentuhan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-21-33-36-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mamasyal ka para manariwa ang iyong isipan. Sa pananariwa ng iyong isipan, mananariwa rin ang magagandang alaala ng iyong nakaraan na magiging inspirasyon mo sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-22-25-34-38-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maraming sorpresa at hindi kapani-paniwalang magagandang kapalaran ang ihuhulog sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-8-17-26-37-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at sa ilang araw na darating. Makipagsapalaran ka nang masabi mong ikaw ay mapalad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-7-10-18-29-35.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page