top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Abril 25, 2021 (Linggo)

  • BULGAR
  • Apr 25, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 25, 2021


Sa may kaarawan ngayong Abril 25, 2021 (Linggo): Hindi mapipigilan ang iyong pangingibang-bayan dahil nasa malalayong lugar ang iyong magagandang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo at umagwat ka! Mas matatanaw mo ang mga dapat gawin kung pag-aaralan mo nang hindi malapitan ang iyong sitwasyon ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-20-24-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling lalabas ang malakas mong kutob. Hindi ka dadayain tulad ng pandaraya sa iyo ng isang tao na inaasahan mong magiging tapat sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-17-29-35-38-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na mabilis mong babaguhin ang iyong mga pasya. Dahil ito ay babala mainam nang malaman mo rin na ang pagbabago ng pasya ay hindi maganda. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-19-25-28-35-37.


CANCER (June 21-July 22) - Ikaw mismo ay magugulat sa iyong sarili dahil ang akala mong walang solusyon sa problema mo ay may maiisip kang magandang ideya na lulutas sa mga ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-23-32-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Manahimik ka. Ito ay sa dahilang nagsismula nang gumanda ang takbo ng iyong buhay. Sa pananahimik, mas mapabibilis ang dating ng malalaking suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-20-24-35-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalawak ang iyong pang-unawa. Dahil dito, lalawak din ang mundong iyong ginagalawan at ang masaganang buhay ay nag-aabang sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-29-30-33-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil kung gugustuhin mong mandaya ng kapwa, ito ay iyong magagawa. Bilang isang katuwaan, dayain mo ang pinakamalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-28-31-37-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi naman talaga nakakatakot ang panakot ng ibon. Hindi rin naman talaga nakakatakot ang labas-pasok sa isipan mo na sa biglang tingin ay maaargabyado ka ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-19-25-32-33-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napansin mo bang nagbabago ang ihip ng hangin kung saan nagsismula nang sumasaya ang paligid? Hindi ka maiiwanan ng takbo ng panahon dahil makakaranas ka ng masasayang pangyayari. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-18-21-25-34-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mabahala sa mga araw na darating. Magkakatotoo sa buhay mo ang mensahe na nakapaloob sa sinasabing, masayang kumakain ang mga ibon kahit hindi sila ang nagtatanim. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-18-27-30-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pasasayahin ka ng mga nasa malayo, gayundin ng mga nasa malapit. Ito ay dahil ang sariling mundo mo ay umiinog lang naman saya at tuwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-20-24-25-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at sa mga araw pang darating. Kakaiba ang mga suwerte mo dahil hindi talaga para sa iyo, pero biglang napasakamay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-14-29-30-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page