Horoscope | Abril 24, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 24, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 24, 2026 (Biyernes): Magkakamali, mabibigo at masasaktan ka, pero kikilos ang kapalaran mo upang muli itong pagandahin. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibigyan ka ngayon ng pagkakataon na makatakas sa nadarama mong paghihirap. Puwede kang lumigaya kung ang pipiliin mo ay ang maging masaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-26-29-32-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakatuwa ang buhay. Akala mo, hindi ka na susuwertehin, pero ang totoo, kabilang ka sa mga taong dadapuan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-21-30-36-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi na mahalaga kung ano ka. Noon pa nagpasya ang langit na ngayon magsisimula ang magagandang bagay sa buhay mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-17-22-25-37-45.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayong araw na ito, puwedeng mabago ang pasya mo, at ang inayawan mo ay puwede mo ring magustuhan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-14-23-31-35-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag ka agad maniniwala sa matatamis na salita. Ito ang araw na sila ay maglalabasan at maghahanap ng mabibiktima. Huwag ka agad maniniwala sa mga taong nagsasabing, “Magiging malaki ang kita mo rito,” dahil tiyak na manloloko lang sila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-12-28-32-39-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang mga araw na kapag sinimulan mo ang matagal mo nang balak na negosyo, magsisimula na rin ang pagyaman mo. Kaya ano pang hinihintay mo? Magnegosyo ka na! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-19-27-33-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makakalimutan ng mahal mo ang mga pagkukulang mo. Ang nakapagtataka pa nito, kung ano ang nagpapasaya sa iyo, aayusin niya. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-12-21-25-38-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Wala kang karapatang tumutol ngayon, lalo na’t wala namang mawawala sa iyo kahit isang sentimo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-18-20-24-36-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo magagawang maghigpit dahil ang maghahari sa iyo ngayon ay pag-ibig. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-17-22-28-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Minsan, dahil lang sa isang ngiti ay nagbabago na ang buhay. Isang simple, maliit, maiksi at tipid na ngiti mula sa iyong labi ay sapat na para gumanda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-11-14-26-30-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - May mga senyales na mapapalapit ka sa bagong kakilala at mayayanig ang buhay pag-ibig mo. Bago tuluyang masira, kung sino ang talagang mahal mo, siya ang asikasuhin mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-4-8-13-28-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gagaan ang pakiramdam mo ngayon na para bang mahimalang nawala ang lahat ng alalahanin mo. Palatandaan ito na nagsisimula nang magdatingan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-teal green. Tips sa lotto-2-16-21-25-38-41.



Comments