Horoscope | Abril 24, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 24, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 25, 2023 (Martes): Kikilos at mananariwa ang kapalaran mo ‘pag pumunta ka sa malalayong lugar. Ito ang sikreto kapag napansin mong hindi umuusad ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Inuutusan ka ng iyong kapalaran na mamasyal sa magagandang lugar. Magplano ka nang mabuti at maghanda bago mo sundin ang utos na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-13-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na mawawala ang problema mo dahil may kusang-loob na tutulong at handang ibigay ang lahat para sa iyo. Huwag kang mahiyang tanggapin ito. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-24-31-32-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na ang mahiwagang salamin ang magsasabing lahat ng naiinggit at walang ginawa kundi pintasan ka ay dadapuan ng kamalasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-14-28-30-33.
CANCER (June 21-July 22) - Yayayain ka ng iyong sarili na pumunta sa mga lugar na ‘di mo pa nararating. Huwag mong tanggihan, pagbigyan mo ang iyong sarili nang manariwa ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-18-23-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mayaman ang iyong imahinasyon ngayon. Ituon mo ito sa mga positibong pananaw at huwag kang mag-imbento ng mga bagay na ikakatakot mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-20-28-30-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Susuko ang mga taong matagal nang naghahangad na mabigo ka. Sa pagkakataong ito, wala silang hangad kundi gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-7-11-15-26-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mas malakas ang karisma mo sa mga taong nasa malayo. Palagi ka nilang kakasabikang makausap kahit sandali lamang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-15-16-27-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka mauunawaan ng malalapit sa iyo dahil akala nila ay may iba ka ng pinahahalagahan at ito ang iyong bagong kaibigan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-22-25-33-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nababaluktot ang tuwid at ang baluktot ay natutuwid. ‘Wag mong husgahan ang iyong kapwa dahil sa huli, ang taong kinaiinisan mo ay may malaking maitutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-15-19-23-26.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang araw na ito ay tanging inilaan sa iyo ng langit. Lahat ng iniisip at pinaplano mo ngayon ay magkakaroon ng positibong resulta. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-20-21-25-28.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Oo, gumaganda ang kapalaran dahil sa paglalakwatsa. Pero higit kailanman, ang kailangan mo ay pahinga. Aanhin mo ang saya kung hihina ang iyong kalusugan? Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-17-24-27-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gamitin mo ang araw na ito upang lalong gumanda ang buhay mo. Masasayang ito ‘pag ‘di ka kumilos at lumabas ng bahay. Sa ganitong paraan, darating ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-21-27-28-42.




Comments