top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Abril 24, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 24, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 24, 2021



Sa may kaarawan ngayong Abril 24, 2021 (Sabado): Palaging nasa iyo ang pagkakataong mas gumanda pa ang buhay mo. Piliin mo ang pagpapaganda ng kinabukasan kaysa nabubuhay ka lang sa kasalukuyan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sundin mo ang maganda sa paningin. Ang maganda sa tingin ay inspirasyon ang ibig sabihin. Hindi ka ganap na magtatagumpay kung wala kang inspirasyon sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-20-23-38-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ngayon ng magandang pagkakataon na mas mapabuti pa ang iyong kalagayan. Tutukan mong mabuti ang iyong mga plano. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-21-24-28-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Napaliligiran ka ng mga tukso ngayon. Ang iba sa kanila ay sobrang malakas pero kung uunahin mo ang pagpapalago ng iyong kaban-yaman, balewala silang lahat. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-15-22-24-39-44.


CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang lakas ng iyong karisma. Puwede mo itong mapakinabangan upang ikaw ay magkaroon ng masarap na buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-26-30-32-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Masyado kang nakatutok sa dumaya sa iyo. Ang buhay ay dapat papasulong dahil walang pag-unlad sa pananatili sa nakaraan at kasalukuyan. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-15-27-31-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka dapat malibang sa sarap ng buhay. Piliin mo ang daan ng tuluy-tuloy na pagsisikap nang sa gayun ay maiwanan mo nang todo ang iyong mga kasabayan at karibal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-22-25-26-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Huwag mong hayaan na maungusan ka ng mga inggit na inggit sa iyo. Gamitin mo ang masuwerteng araw na ito para sa mas ikagaganda pa ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-21-27-37-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang pinili mo, ‘yun ang pagbutihin mo. Huwag kang tumulad sa iba na namili pero ang pinili ay ayaw namang lakipan ng kaukulang pagkilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-13-20-24-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Wala kang aasahan sa iyong kapwa, lalo na sa mga natulungan mo. Hindi dahil sa ayaw nila kundi dahil dito sa ibabaw ng mundo, ang tao ay may kani-kanyang interes. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-21-25-39-40-46.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong gantihan ng masama ang masama. Mas magandang isabuhay mo ang sinasabing may karma ang gawang masama. Ito ang ganti ng kapalaran sa masasama. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-20-25-30-31-36-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit mo papansinin ang mga mapanghusga? Hayaan mo sila at makikita mo na sila ang huhusgahan ng langit at aanihin nila ang parusa sa utos na huwag kang mapanghusga. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-17-29-38-42-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Inaayos na ng langit ang kapalaran mo. Dahil nakitang kung ikaw lang ang mag-aayos, matatagalan ang dating ng mga suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-15-17-22-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page