top of page

Horoscope | Abril 23, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 49 minutes ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 23, 2026



Horoscope


 

Sa may kaarawan ngayong Abril 23, 2026 (Huwebes): Gamitin mo ang iyong isip sa pagnenegosyo, at huwag mong sayangin ang kakayahan mong ito.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Abot-kamay mo na ang pinakagusto mo sa buhay. Kaya huwag kang magbabago ng mga plano. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-12-18-20-24-32.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mananariwa ang kapalaran mo ngayon. Ang dating pakiramdam mo na hindi umuusad ang iyong buhay ay mabibilang na lang sa bahagi ng iyong nakaraan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-14-17-28-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Iguhit mo ang sarili mong kapalaran ngayon. Magpasalamat ka sa Itaas, dahil binigyan ka Niya ng espesyal na pagkakataon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-10-15-25-35-40.


CANCER (June 21-July 22) - Tinatakot ka lang ng sarili mo sa mga alalahanin na sa totoo lang, kapag kumilos ka ayon sa mga plano mo, makakaasa kang magiging positibo ang lahat. Kaya gawin at ipatupad mo na ito ngayon! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-23-30-38-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pabigat nang pabigat ang buhay mo dahil pasan ka nang pasan ng mga hindi mo naman dapat pasanin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-13-22-26-34-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang papayag sa gusto ng iba, lalo na kung hindi naman maganda. Ang panigan mo ay ang bulong ng sarili mo, kung ano ang tama, roon ka! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-21-31-36-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malaki ang posibilidad na masyadong maging mabilis ang iyong pasya. Huwag mong kakalimutan na ang tao ay puwedeng baguhin ang kanyang maling desisyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-28-30-32-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kaya mong ibigay, iyon lang ang dapat mong ibigay. Hindi puwedeng maapektuhan o mabawasan ang inilaan mo para sa sarili mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-16-27-29-33-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituro mo kung ano ang dapat gawin. Ito ang papel mo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-15-25-33-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag mabigat na ang kalooban mo, magliwaliw ka muna, dahil anumang mabigat ay hindi maganda sa katawan at kalusugan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-26-31-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-19-21-22-35-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang bago, iyon ang piliin mo. Maaari mo rin itong gawing gabay sa kung sino ang gusto mong maging bahagi ng iyong buhay. Sa ganitong paraan, magbabago ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-7-23-30-34-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page