top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 23, 2024 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika- 23 Araw ng Abril 2024


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 23, 2024 (Martes): Mabilis kang magpasya. Sa unang tingin, ito ay hindi maganda pero ito mismo ang susi ng iyong pagyaman, tagumpay at kaligayahan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masuwerte ka sa ngayon, lalo na pagdating sa larangan ng negosyo. Huwag mong sayangin ang magandang balita, tutukan mo na agad ang iyong pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-13-28-34-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ingatan mo ang mahaba at mabilis na pagsasalita. Malaki ang tsansa na may mabisto sila na hindi naman dapat nila malaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-16-18-21-37.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Sinupin at pahalagahan mo ang mga biyayang napapasaiyo. Huwag na huwag kang magpapatangay sa saya at walang kuwentang paggasta. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4- 17-23-32-35-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Malaki ang tsansa na matalo ka ng iyong damdamin. Kung sakaling hindi gumana ang iyong isip, huwag kang masyadong mag-alala dahil pansamantala lang naman ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-15-24-29-32-34.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon magdarating ang maliliit at malalaking suwerte mo. Walang magagawa ang mga lihim at lantad mong kaaway kundi sumuko. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-12-14-22-26-39.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) -Napakatalas ng iyong isip. Ang sikreto ng pagpapayaman ay maiisip mo ngayon. Kung magagawa mo itong lakipan ng kaukulang pagkilos, tiyak na mabilis kang yayaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-25-31-38-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napakalakas ng gayuma mo ngayon. Sa biglang tingin, ito ay isang nakakatuwa at magandang balita, pero pinag-iingat ka pa rin, dahil baka maakit mo ang mga taong wala namang karapatan at kuwenta. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-20-27-30-37.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ka lubos na liligaya at makakaramdam ng kaginhawaan. Malaya mo ring maipapahayag ngayon ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto- 9-14-18-21-27-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapapasunod mo ang lahat, dahil sa maganda mong paliwanag, kahit na sobrang tigas ng kanilang ulo, wala silang magagawa kundi maniwala sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-13-19-28-39-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte. Puwede kang hindi maniwala, pero aktuwal na lalapit sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay–peach. Tips sa lotto-2-11-19-23-28-33.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaibang sigla ang mapapasaiyo. Ito ay isang malinaw na senyales na ang magagandang kapalaran ay magsisimula nang dumating. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-17-24-38-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Alam kong gusto mong pumunta sa malayo, pero hindi mo magawa-gawa. Ngayon mo siguraduhin na magagawa mo ito, dahil ito ang susi para mas gumanda ang takbo ng iyong buhay.  Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-11-18-20-27-31.

 


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page