top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Abril 23, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 23, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 23, 2023

Sa may kaarawan ngayong Abril 23, 2023 (Linggo): Gamitin mo ang talas ng iyong isip sa pagnenegosyo. Huwag mong sayangin ang kakayahan mo. Ito ang payo ng kapalaran na kailangan mong pakinggan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Abot-kamay mo na ang mga gusto mo. ‘Wag kang magbago ng mga plano at dapat ay malakas ang puso mong lumaban sa tukso. Kaunti na lang at mapasasaiyo na ang napakalaking tagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-12-18-20-24-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mananariwa ang kapalaran mo ngayon. Ang pakiramdam mo na ‘di umuusad ang iyong buhay ay biglang mag-iiba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-17-28-39-40-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Iguhit mo ang iyong kapalaran. Magpasalamat ka sa itaas dahil binigyan ka ng pagkakataon. Kung ano ang nasa isip mo, ‘yun ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-20-25-39-41.

CANCER (June 21-July 22) - Tinatakot mo ang iyong sarili, ngunit sa totoo lang, kapag kumilos ka ayon sa mga plano mo, makakaasa ka na magiging positibo ang lahat. Gawin at ipatupad mo na ito ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-23-38-41-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pabigat nang pabigat ang buhay mo dahil pasan mo ang hindi mo naman dapat pasanin. Hayaan mong sila ang pumasan sa kanilang mga problema. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-17-25-26-34-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang pumayag sa gusto ng iba, lalo na kung alam mong hindi ito makabubuti para sa iyo. Pakinggan mo ang bulong ng iyong sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto- 19-25-28-30-31-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malaki ang posibilidad na mabilis ang iyong pagdedesisyon. Huwag mong kakalimutan na ang tao ay puwedeng baguhin ang kanyang maling desisyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-14-28-30-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kaya mong ibigay, ‘yun lang ang dapat ibigay. Hindi puwedeng mabawasan ang inilaan mo para sa iyong sarili at pamilya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-14-21-28-29-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituro mo ang dapat na gawin. Gagawin ng kapwa mo ang dapat niyang gawin. Huwag mong kalimutan na ang papel mo sa mundo ay ang magturo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-14-15-25-27.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag mabigat ang kalooban mo, magbawas ka. Ang anumang mabigat ay ‘di maganda sa katawan, kaisipan at kalusugan. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-15-18-28-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dapat mong dalawin ang isang kabigang matagal ka nang nais makausap. ‘Pag nagawa mo, ipagkakaloob ng langit ang lahat ng hiling mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-18-20-21-22-26.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang bago, ‘yun ang piliin mo. Puwede mo ring gawing gabay sa kung sino ang gusto mong maging bahagi ng iyong buhay. Sa ganitong paraan, magbabago ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-23-31-33-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page