Horoscope | Abril 23, 2021 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 23, 2021
Sa may kaarawan ngayong Abril 23, 2021 (Biyernes): Masasayang kaganapan ang mapasasaiyo. Sa biglang tingin, ito ay maganda pero ang mga saya mo ay magiging sanhi ng kawalan ng paghahanda sa hinaharap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Limitahan mo lang ang iyong mga kilos at mas magandang pagtuunan mo ng pansin ang pagpapalago ng kabuhayan. Kaya kapag walang kinalaman dito, magsasayang ka lang ng oras. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-18-20-24-27.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tumulong ka sa nangangailangan, pero hindi magandang tulungan ang hindi naman humihingi ng tulong. Ito ang magandang gawin mong gabay sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-19-22-26-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Pinaghahandaan ang kinabukasan. Ang mga biglaang pagpapasya at pagkilos ay nagsasabing walang paghahanda na ginawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-9-14-16-25-33.
CANCER (June 21-July 22) - Silipin mo ang mga puwedeng mangyari. Sa ganitong paraan, maagang maiiwasan ang hindi magagandang maaaring maganap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-20-21-25-39-40-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat mapabilang sa mga labis ang tiwala sa sarili. Sa araw na ito at sa iba pang araw na darating, ilagay mo sa iyong isip na ang labis na tiwala sa sarili ay magpapahamak sa marami. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-25-27-45-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinuhusgahan ang tao base sa mga katangian ng madalas na makasama dahil ibig sabihin, ‘yun din ang katangian niya. Sumama ka sa mga may sinasabi at alam mo na kung ano mangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-24-25-34-47.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sabihin mo ang iyong katwiran. Hindi mahalaga kung maniwala sila dahil ang mahalaga ay nasasabi ng tao ang laman ng kanyang isip at damdamin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-21-28-30-31-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang matagal na preparasyon ay higit na mabuti. Dahil ito ay umaayon sa batas ng tagumpay na ang ibayong paghahanda ang susi sa maligaya at masaganang buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-25-29-33-35-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang kailangan mo, ‘yun ang gawan mo ng paraan. Ang hindi mo naman talaga kailangan ay huwag nang pag-aksayahan pa ng oras. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-25-28-35-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi masama ang magsabi kung ano ang gusto. Pero ang hindi maganda ay kapag pangit ang boses na pagalit at masakit sa tainga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-23-30-33-34-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iwasan mong mapaniwala ang isang tao na kaya mong gawin ang hindi mo kaya. Ang minsang nasira sa salita ay mapapasama sa mga hindi na paniniwalaan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-20-21-28-35-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka dapat panghimasukan ng ibang tao sa iyong pagdedesisyon. Ikaw ang may hawak ng iyong kapalaran at hindi ang mga mahilig makialam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-22-34- 43.




Comments