top of page

Horoscope | Abril 22, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 22, 2026



Horoscope


 

Sa may kaarawan ngayong Abril 22, 2026 (Miyerkules): Malakas ka, kaya makakabangga mo rin ang malalakas. Mas magandang gawin mong kaibigan ang mga umaaway sa iyo. Ito ang payo sa iyo ng kapalaran mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mo nang guluhin ang buhay mo para sa taong wala namang kasiguraduhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-19-28-32-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mabigat ang araw na ito para sa iyo, pero ang totoo, kulang ka lang sa tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-24-30-36-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magdali. Sa mga araw na ito, analisahin mo muna ang mga kaganapan upang ang susunod mong mga hakbang ay tama na. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-21-25-27-33-40.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi maganda para sa iyo ang muling itago ang iyong saloobin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-16-26-35-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakatuwa ang suwerte mo ngayon dahil magmumula mismo sa taong kinaiinisan mo ang maganda mong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-28-34-37-41


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dalisay at wagas na pagkatao ang lilitaw sa iyo. Dahil dito, ang langit ay sobrang matutuwa sa iyo, kaya naman, makakatanggap ka ng malaking regalo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-25-27-31-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hinihintay ka na ng masaganang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-24-33-38-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaiba ang takbo ng iyong kapalaran, dahil habang nagpapalakas ang iyong mga lihim na kaaway, ikaw naman ay mas lalo pang lalakas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-13-21-35-37-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ngayon ang panahon para sundin ang iyong puso. Bagkus, unahin mo muna ang paghahanda para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-18-22-24-32-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakaiba ang paraan upang suwertehin ka. Isuot mo ang damit na ayaw na ayaw mo. Oo, ‘yung hindi mo paborito, dahil habang suot mo ito, dadapo sa iyo ang nakakamanghang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-25-27-29-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka ngayon. Pero mag-aalinlangan ka, at ang iyong pag-aalinlangan ang mismong magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-28-30-39-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap maghanap ng tunay na kaibigan. Kaya mas maigi kung magpokus ka na lamang sa iyong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-20-25-38-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page