Horoscope | Abril 22, 2021 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 22, 2021
Sa may kaarawan ngayong Abril 22, 2021 (Huwebes): Talunin mo ang iyong kahinaan nang sa gayun, pagharap mo sa iyong kalaban ay mas malakas ka kaysa sa iyong sarili. Ito ang susi ng pananalo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Mga anino na walang laman at buto ang kinatatakutang problema sa buhay. Ito rin ay sanhi ng pagkakataong paminsan-minsan mong pagkaduwag. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-24-28-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mabibigo kung pag-aaralan mo munang mabuti ang iyong mga plano sa buhay, kaya ang mabilisang pagkilos ay hindi makagaganda para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-19-21-27-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Nahaharap ka sa mabibigat na suliranin na kung sa iba mangyayari ay hindi nila makakayanan, pero sa iyo, mahirap paniwalaan na para ka lang nakikipaglaro sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-14-23-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Tinatakot mo lang ang iyong sarili, kaya dapat mong malaman na walang basehan ang iyong mga ipinag-aalala. Ang mga ito ay dahil lang naman sa mayaman mong imahinasyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-27-34-39-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mapasasaiyo ang hindi sinasadyang naitapon. At kapag nasa iyo na, nakamamangha ang magaganap dahil muling magsisimula ang pagkakaroon mo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-25-28-30-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag pinalaya mo ang iyong sarili sa walang katapusang pag-aanalisa ng mga bagay-bagay, matatapos na rin ang kawalan ng pag-usad ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-12-27-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kaya lang naman nabigo ang isang tao ay dahil ayaw na niyang magpatuloy sa pakikipaglaban. Malabong mangyari ito sa iyo dahil ang pagtigil mo ay pansamantala lamang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-17-23-34-40-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumabas ka sa iyong bahay, pero hindi ka makikisalamuha at sa sarili mo lang umiikot ang iyong paligid. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-16-20-24-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mabuti sa tao ang palaging nagpaplano na hindi kumikilos. Mas maganda pa ang walang plano pero kilos nang kilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-29-35-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Araw-araw ay bagong araw. Wala kang katwiran para manatili sa kalungkutan. Ang mga nagdaang araw ay dapat nang kalimutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-26-34-38-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pansamantalang naitatago ng tao ang kanyang kahinaan. Sa araw na ito, maikukubli mo ang mga hindi maganda sa iyo kaya lihim kang sasaya sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-17-23-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gumaganda ang sabayang musika dahil may kumukumpas sa harapan. Makiayon ka at huwag kang sumalungat sa kumpas ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-8-12-18-31-36.




Comments