Horoscope | Abril 21, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 4 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 21, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 21, 2026 (Martes): Itinalaga ka para sa mataas na puwesto. Kaya hindi ka puwedeng manatili sa ibaba. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaang magtampo sa iyo ang taong malapit sa puso mo. Tandaan mo, mahirap makahanap ng taong mapagkakatiwalaan ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-24-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Labanan mo ang katamaran. Hindi ka puwedeng walang ginagawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-23-33-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Bibilis ang iyong pag-asenso at walang sinuman ang puwedeng humadlang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-15-26-31-39.
CANCER (June 21-July 22) - Pabugsu-bugso ang ihip ng sariwang hangin. Magpasalamat ka dahil ang mga suwerte mo ay ganu’n din, pabugsu-bugso at pabigla-bigla ang dating. Ngunit, saya pa rin naman ang hatid nito sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-14-22-28-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makikitang lumalabis ang tiwala mo sa sarili mo. Hindi ito maganda at ito rin ay puwedeng maging sanhi ng iyong pagkakamali. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-21-26-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aangat ka nang aangat kahit wala kang ginagawa. Ito ay bunga ng paghanga sa iyo ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-1-15-20-27-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ididikit ka ng kapalaran sa mga taong angat sa kabuhayan, at puwedeng magbigay sa iyo ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-24-26-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama ang magsaya, pero ang labis na paggastos sa pagsasaya ay hindi maganda. Kontrolin mo ang iyong sarili para ‘di maapektuhan ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-22-34-36-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling babalik ang masusuwerte mong araw. Ngayon mo na simulan ang mga plano mo na hindi mo pa nagawa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-13-18-29-37-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Titigan mo ang bughaw na kalangitan. Ito ay nagpapaalala sa iyo na ang iyong kapalaran ay papalayo na sa bagyo at unos ng buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-21-31-33-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Narinig mo na ba na patuloy naglalakbay ang ibon? Ito ay nagsasabing makikinabang ka sa mga dayuhang magiging kaibigan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-15-23-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umiinit na ang kapaligiran. Kaya marami na naman ang tatamaring magtrabaho. Gayunman, ‘wag mo silang tularan, higit kailanman, ngayon mo dapat itodo ang pagsusumikap mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-8-14-26-37-41.


Comments