top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 21, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika- 21 Araw ng Abril 2024


MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 21, 2024 (Linggo): Hahawak ka ng mataas na katungkulan dahil isinilang ka para mamuno at mamahala. Ito ang nakaguhit sa iyong kapalaran na hindi mo na mabubura kahit kailan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Habang paparami ang iyong yaman, huwag mong kaligtaan na dapat ay nakasayad pa rin sa lupa ang iyong mga paa. Dahil ang mga paang nakasayad sa lupa ay hindi bumabagsak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-20-25-31-35-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ang kilos na gawin mo ay kilos pataas. Bakit hindi ka kikilos? Hahayaan mo na lang ba na manatili kang nasa ibaba? Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-18-20-24.


GEMINI (May 21-June 20) - Maghanap ka ng taong makakatulong sa iyo para umangat ang buhay mo. Hindi ka puwedeng hindi umasenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-24-30-32-44.


CANCER (June 21-July 22) - Tanggapin mo ang alok nila kung makakatulong ito sa buhay mo. Pero, kung wala ka namang mapapala, walang dahilan upang tanggapin ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-25-31-36-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Bumanat ka na ngayon! Ikilos mo ang iyong katawan nang sa gayun ay mas umunlad ka pa. Muli, bumanat ka para sa ikakaganda ng iyong kalagayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-17-21-25-33-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyado kang madaming pangarap, at sa sobrang dami hindi ka na makakilos. Ang dapat mong gawin ay pumili ka ng isa, at ito ang tutukan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-16-19-24-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humarap ka sa salamin upang mawala ang iyong lungkot. Ang salamin ay hindi nagsisinungaling na ikaw ay tunay na mas

maganda kesa sa iba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-15-23-34-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi pa tapos ang masasayang araw mo, dahil ngayon pa lang magdaratingan ang mga suwerteng hindi mo inaasahan. Huwag kang tumulad sa iba na hindi marunong magsinop ng mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-13-15-20-25-31.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ang araw mo at ang ilang araw pang darating ay para pa rin sa iyo. Huwag mong sayangin ang mga magagandang pagkakataon, kumilos ka para mas gumanda ang kinabukasan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-17-21-26-29.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tutulungan at handa ka nilang alalayan. Isa pa, nakalaan na para paboran ka nila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-19-28-30-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Samantalahin mo ang masuwerte mong araw. Kung saan, madami kang mapapakinabangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon.

Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-23-39-40-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi man karamihan at kalakihan ang mga suwerteng napapasaiyo, sapat na ito para masabi mong hindi bingi ang langit sa iyong mga kahilingan at panalangin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-21-28-33-37-43.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page