Horoscope | Abril 21, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 21, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 21, 2023 (Biyernes): Bibigyang-daan ng kapalaran ang katuparan ng iyong mga pangarap. Kasabay nito ay ang paghawi ng mga hadlang at sagabal sa landas ng iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Angat na angat ka ngayon. Maaari mo ring maiwanan nang ilang milya ang iyong mga kakumpitensya. Basta magtiwala ka sa iyong sarili at kakayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-24-26-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang gawin mo. Hindi na puwede na ang gusto ng iba ang ginagawa mo. ‘Di ka isinilang na kasangkapan lamang ng ibang tao. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-12-27-28-30-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi kabawasan sa iyo ang isang pabigat sa buhay mo. Ang totoo, mas gaganda ang takbo ng sasakyan kapag magaan lang ang kanyang laman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-14-18-26-28-30.
CANCER (June 21-July 22) - Hubugin mo ang iyong sarili sa positibong pagkilos. ‘Di sapat ang positibong pananaw lamang. Higit na magpapaunlad sa iyo ang pagkilos kaysa sa mga pananaw lamang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-21-27-29-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi iintindihin ang magagandang payo mo sa taong makitid ang utak. Huwag kang mag-aksaya ng oras sa kanila. Mas maganda na manahimik ka kaysa magpayo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-27-30-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tulad ng munting buto, ang ‘di pagkakaunawaan ay puwedeng lumaki. Bago ito mangyari, maghanap ka na ng paraan para masolusyunan ang hindi pagkakaintindihan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-22-26-30-35-37-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilalapit ka ng kapalaran sa taong sasagot sa mga pangangailangan mo sa buhay. Alalahanin mo na minsan lang ang pagkakataong ito, kaya sunggaban mo agad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-28-32-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pagbasehan ang mga salita na iyong naririnig. Mas magandang pag-aralan mo ang mga kilos na ipinapakita. Sa ganitong paraan, hindi ka magsisisi. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto- 21-25-33-39-40-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong kalimutan ang mga karanasan na pinagdaanan mo. Kaya lang naman nagsisisi ang isang tao ay dahil ang mga natutunan niya ay kanyang nakalimutan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-27-29-33-36-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tahimik mong paunlarin ang iyong sarili. Huwag kang tumulad sa iba na maliit na tagumpay pa lang ay labis nang ipinagmamalaki at ipinagyayabang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-20-31-34-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagpapalit ang panahon. Ang lahat ng batas na sinasabing nakakabagot kapag iisa lang ang takbo ng buhay. Magbabago na ang ikot ng iyong mundo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-10-15-23-32-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumapit ka sa positibong pananaw. Gumaganda ang buhay kapag ang tao ay hindi negatibo. Umuunlad ang buhay kapag ang tao ay hinaharap ang mga araw nang may saya’t sigla. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-17-20-21-28-30-41.




Comments