top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 21, 2021 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 21, 2021



Sa may kaarawan ngayong Abril 21, 2021 (Miyerkules): Iaangat ka ng iyong kapalaran sa mataas na lebel ng buhay, higit lalo kapag ikaw ay natagpuang nasa ibaba. Hindi ka isinilang para sa mas mabababang posisyon.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong intindihin ang ngayon. Sa halip, tutukan mo ang hinaharap. Ang tagumpay ay sa huli hinuhusgahan at hindi sa kasalukuyan. Ito ang palagi mong iisipin habang ikaw ay nagsisikap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-20-23-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Binigyan ang tao ng tuhod para tumayo kapag nadapa. Kaya ang kabiguan ay pansamantala lamang. Tumindig ka at muling makipagsapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-25-34-40-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang mangyayari sa iyo dahil kung ngayon ay kulang na kulang pa ang iyong kakayahan na mamuno at humawak ng mga tao, ito na mismo ang magiging papel mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-15-17-25-34-39.


CANCER (June 21-July 22) - Nananatiling malakas ang iyong karisma. Kung gagamitin mo ito para makinabang ka, mabilis kang aasenso. Kaya ano pa ang hinihintay mo, gamitin mo na at dapat ay ngayon na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-16-20-24-25.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit malakas ang isang tao, para na rin siyang mahina kapag ang pakikinggan niya ay ang kanyang damdamin. Malakas ka at para pakinabangan mo ito, itutok mo sa pagpaparami ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-22-24-28-30-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muling ibabalik sa iyo ng langit ang pagkakataong humawak ng mga tao na tiyak namang susunod sa mga kagustuhan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-20-31-37-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang iyong ganda para mabilis kang umasenso. Hindi para sa iyo ang payo na ang kagandahan ay para lang sa larangan ng pakikipagrelasyon. Gayundin, marami pang paggagamitan ang iyong ganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-25-39-44-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magugulat dahil ang tutulungan mo ay hahawak ng mataas na ranggo. Kumbaga, siya ay mahina ngayon, pero hindi siya mananatiling umaasa lang sa tulong ng kapwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-24-30-35-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napansin mo ba na nagbalik ang iyong saya? Ito ay dahil sa muli mong nakaugnayan, na noon pa lang ay nagbibigay na sa iyo ng saya at ligaya. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-13-18-22-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magduda sa sarili mong kakayahan dahil sobra sa sapat ang mga ito para ikaw ay umasenso. Ang kailangan mo lang naman ay talunin ang iyong pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-14-19-20-25-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakapagtataka ang kapalaran mo dahil palagi kang napapalapit sa may mga sinsasabi, may kaya at matataas ang ranggo sa buhay. Muli mo silang pakikinabangan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-16-21-25-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga kontra nang kontra sa mga kagustuhan mo, kabilang din ang mga lihim na inggit at naninira sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-15-18-22-28-38.

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page