top of page
Robin Padilla - Senate PH 2.jpg

Horoscope | Abril 20, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 20
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 20, 2026



Horoscope


 

Sa may kaarwan ngayong Abril 20, 2026 (Lunes): Kusang aayusin ng langit ang lahat para sa iyo. Kaya naman, susuwertehin ka na sa kabuhayan at pag-ibig. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong kaligtaan na kailangan mo ring makibahagi sa pagbuo ng mga desisyon ng iyong mga mahal sa buhay, nang sa gayun ay mas gumanda pa ang resulta. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-10-14-20-33-40


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mababa ang iyong luha at madali kang maawa ngayon. Kaya mas maiging lumayo ka muna sa mga taong paladaing. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-14-18-23-36-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Kahit ikaw lang mag-isa, sasaya ka pa rin. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-19-26-29-38-41.


CANCER (June 21-July 22) - Tinatandaan dapat ang mga natutunang aral sa buhay at hindi rin dapat kinakalimutan ang mga kabiguan. Ito ang kambal na susi para makamit mo ang tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-21-27-34-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang panahon upang mas tutukan at bigyan ng oras ang mga mahal mo sa buhay. Ngayon din ang pagsasaayos ng mga hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-22-29-36-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung hindi mo alam kung ano ang dapat mong gawin, sumunod ka sa mahal mo dahil siya ang nakakaalam kung ano ang mabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-25-30-37-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Naririnig ng langit ang iyong daing. Kaya ito ang araw na hahanguin ka Niya sa malalim na kalungkutan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-17-24-26-36-41


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Samantalahin mo ang araw, kung saan ay maliwanag ang iyong isipan nang sa ganun ay magabayan ka ng iyong sarili sa kung ano ang pinakamaganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-10-14-29-30-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahina ngayon ang iyong damdamin. Madali kang maaawa kahit sa mga taong mapagsamantala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-25-31-34-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sundin mo ang damdamin mo ngayon, kahit pa nakakontra ang iyong isip. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-22-27-33-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Limitahan mo ang mga aktibidad mo sa paglalakwatsa. Itutok mo ang oras mo sa pagpapaganda ng relasyon sa mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-28-30-36-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsisimula na ang pagganda ng buhay mo. Dadalawin ka ng suwerte at magagandang kapalaran. Kaya dapat hindi lang ang sala ng inyong bahay ang malinis, kundi ang panloob na sarili mo ay dapat mo ring pagandahin, upang ang suwerteng dadalaw sa iyo ay pumirmi sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-16-27-32-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page