top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 20, 2024 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-20 Araw ng Abril 2024


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 20, 2024 (Sabado): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte sa buhay dahil na rin sa mga kabutihang ipinapakita mo sa iyong kapwa. Ito ang kahulugan ng araw na ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gagaan ang loob mo mga taong masasama sa iyo. Babalewalain mo ang mga kilos nila dahil na rin sa mga biyayang nagdaratingan sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-20-25-39-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madaragdagan ang suwerte mo ngayon, dahil sa kakaibang dating ng mga buwenas mo, puwede kang magdiwang kasama ang ilang malalapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-18-21-25-31-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Magpakumbaba ka para humanga sa iyo ang langit. May karapatan ka ngayong magmataas, ngunit maalala mo rin na ang pagmamataas ay hindi maganda sa isang tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-25-29-34-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Walang mabigat na gawain kung kayo ay magtutulungan. Huwag n’yong sarilinin ang inyong problema. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-19-27-35-38-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat maapektuhan sa init ng panahon ngayon. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-16-26-32-40-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagpapalit ang mga panahon nang sa gayun ay manariwa rin ang iyong kapalaran. Ihanda mo ang iyong sarili para ‘di masayang ang pagpapalit ng panahon. Masuwerteng kulay–yellow. Tips sa lotto-10-14-25-30-36-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi porke nagkalimutan, hindi na maalalala pa. Sa muling pagkikita, ang magagandang pagsasama ay muling manunumbalik. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-20-26-28-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papaganda nang papaganda ang takbo ng iyong kapalaran kahit pa nakakaranas ka ng ilang pangyayari na ‘di maganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-19-23-39-40-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong buhatin ang mga bagay na mabibigat. Ibig sabihin, kung ano lang ang kaya mo ‘yun lang ang kunin mo nang sa gayun hindi ka masaktan at mapahamak. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-23-38-41-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit mo tatanggihan ang alok na tulong sa iyo? Hindi makakabuti para sa iyo ang pagdududa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-16-24-26-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahina ka ngayon. Ang maliit na kabutihan ay aakalain mong malaki. Mag-ingat ka, dahil baka mahulog ka sa tukso. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-8-11-15-27-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling manunumbalik ang araw na kung saan ikaw ang pinakamapalad. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-17-27-29-34-40-42

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page