top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Abril 20, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 20, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 20, 2023

Sa may kaarawan ngayong Abril 20, 2023 (Huwebes): Masyado kang mabait sa kapwa mo, kaya ang Dakilang Manlilikha ay hindi ka pabayayaan. Anuman ang hilingin mo, tiyak na ito ay mapasasaiyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang tamang araw para sa iyong pagkakawang-gawa. Kapag kumilos ang tao ayon sa kanyang tamang araw, makakaasa siya na siya ay susuwertehin at magtatagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-29-39-41-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bantayan mo ang iyong sarili dahil puwede kang pagsamantalahan ng mga nakukunwaring nangangailangan, pero ang gusto lang naman ay maisahan ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-21-28-29-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Unahin mo ang kapakanan ng iyong kapwa bago ang sarili mo. Nakamasid sa iyo ang mga mata ng langit at nakahandang ikaw ay gantimpalaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-17-18-23-27-33.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na nakita ng langit ang iyong mga pagtitiis at kabaitan sa kapwa, lalo na sa iyong mga kamag-anak. Inihahanda na ang malaking premyo na iyong matatanggap sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-20-24-25-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kasama na sa buhay mo ang pagsasakripisyo. Pero dahil sa ginagawa mong ito, lalong dumarami ang iyong kabuhayan at mga ari-arian. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-21-29-30-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Buksan mo ang iyong puso. Ito ang tunay na susi upang madama mo ang ligayang hinahanap-hanap mo. Kapag nakabukas ang puso, dapat ang isip ay nakasarado. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-22-28-34-38-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hahamunin ka ngayon ng iyong kapalaran. Kapag nagawa mong ibigay sa iba ang gustung-gusto mo, kikilos ang langit at pagkakalooban ka ng sobrang gandang kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-16-25-33-36-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nawawala ang liwanag ng buhay. Nakakanlungan lang ng anino ng hindi magandang pananaw. Maging positibo ka at magliliwanag ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-14-15-26-31.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga paladaing at palahingi. Ang tutukan mo ay ang pagpapalago ng kabuhayan at kung paano ka lalong aasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-25-27-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - May karapatan ang kahit na sino na tanggihan ang paulit-ulit na nananamantala ng kapwa. Ang payo ng kapalaran ay tumanggi ka upang magkaroon ka ng mapayapang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-8-15-16-29-30.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bago ka magpasarap sa buhay, tingnan mo muna ang mga pangangailangan ng ilang malalapit sa iyo. Gawin mo ito nang sa gayun ay lalo kang pagpalain ng langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-18-20-22-27.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pang-unawa ang dapat na mapasaiyo. Sa pag-unawa, ang hindi pagkakasundo ay nawawala. Gayundin, ang mga problema, gaanuman kabigat ay nalulutas nang maayos. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-17-19-20-23-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page