top of page

Horoscope | Abril 2, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 2, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Abril 2, 2026 (Huwebes): Napakalakas ng iyong karisma. Gamitin mo ito para sa iyong sarili, higit lalo para sa mga materyal na bagay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mapapalapit ka sa mga nasa paligid mo, maging sa dati at kasalukuyan mong kaaway. Ang atraksyong ito ang hihigop ng dagdag-suwerte at magagandang kapalaran. Kaya ang diskarte, huwag kang magalit, bagkus kaibiganin mo ang lahat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-21-29-30-36.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahina ka ngayon dahil tatalunin ka ng awa, gayunman lalakas ka pa rin, lalo na’t mamahalin ka ng iyong kinaaawaan. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-14-23-28-35-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Magtira ka para sa sarili mong pangangailangan. Mali na tumutulong ka, pero sa huli’y nahihirapan ka naman sa sarili mong gastusin. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-20-34-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Muling ibinalik ng langit ang iyong masuwerteng araw, dahil noon hindi mo nakumpleto ang iyong mga kahilingan. Ngayon, higit pa sa inaasahan mo ang darating. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-22-25-32-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Pahalagahan mo ang nasa sa iyo na. Ang mga bagay na gusto mo pero wala pa sa iyo ay makakamit mo rin basta tutukuan at pagsikapan mo. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-15-21-24-35-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo nang habulin ang mga umalis. Sa buhay, kusang bumabalik ang mga lumayo at minsan, sila pa ang namimilit na maging bahagi muli ng iyong mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-18-26-30-39-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumuluwag ang kapalaran at dumarating ang kaginhawaan kapag inaalis mo na ang mga bagay na dapat nang bitawan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-14-27-33-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Laging nananalo ang marunong lumaban. Ito ang dapat mong pagnilayan ngayon, dahil malalaking panalo ang naghihintay sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-10-17-20-34-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na pinili ng langit upang bigyan ka ng suwerte at pagpapala. Gawin mo ang mga iniisip at pinaplano mo, dahil isa-isa na itong matutupad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-24-28-31-35-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kusang lalapit sa’yo ang mga suwerteng hindi pinapansin ng iba dahil abala sila sa sarili nilang problema. Ito ang dapat mong abangan ngayon dahil ‘yan ang sinasabi ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-19-26-32-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pakinggan mo ang isang taong malapit sa iyo, na madalas tama ang kutob. Kung sarili mo lang ang susundin mo, maaari kang maligaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-21-27-30-34.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masama ang yumuko; ang masama ay ang magmatigas sa mali. Hahangaan ka kapag marunong kang magpakumbaba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-16-22-35-41.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page