top of page

Horoscope | Abril 19, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 19, 2026



Horoscope


 

Sa may kaarawan ngayong Abril 19, 2026 (Linggo): Ibahagi mo ang mga suwerteng ibinigay sa iyo ng langit. Sa ganitong paraan, mas lalo kang pagpapalain.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya’t ligaya ang regalo sa iyo ng araw na ito at ng mga araw pang darating. Gayunman, huwag na huwag kang masyadong malilibang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-13-28-33-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang tamang panahon para bigyang-pansin mo ang iyong sariling kaligayahan. Pansamantalang ihinto mo muna ang pagsasakripisyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-18-24-35-39.


GEMINI (May 21-June 20)  - Suwerte ka ngayon, pero may kondisyon na nagsasabing hayaan mong malamangan ka ng iyong kapwa. Sapagkat paminsan-minsan, ang tao ay naiisahan ng kanyang mga kaibigan. Ngunit tandaan mo, kung sino pa ang laging naiisahan, siya pa ang inuulan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-21-26-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Ngayon, magkakatotoo ang sinasabing mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap. Kaya huwag kang magdamot. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-20-23-32-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Muling ibinalik ng langit ang mga araw na ikaw ay mapalad. Tandaan mo, ang mga suwerte sa buhay ay minamahal, iniingatan, at pinahahalagahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-22-28-39-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kalimutan mo muna ang mga problema, dahil kapag payapa ka, ru’n mag-uumpisang dumapo sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-22-31-37-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo ang sarili, malaki ang posibilidad na ang nagpapasaya sa iyo ngayon ay mapalapit sa puso mo, ngunit maaaring ito rin ang pagmulan ng magulong love life mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-16-21-25-30-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka muna sa maraming tao. Sa pag-iisa, ru’n mo makikita ang mas madaming suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-15-24-28-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magtaka kung ang mga tao sa paligid mo ay nag-i-enjoy sa kani-kanilang buhay, habang ikaw ay abala sa ‘di matapus-tapos na gawain, dahil iyan ang magdadala sa iyo ng suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-14-20-32-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makakatanggap ka ng regalo ngayon. Ang masayang balita ay nagsasabing ang matatanggap mo ay magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-4-17-25-33-38-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap paniwalaan, pero habang kumikilos ang mga lihim at lantad mong kaaway, dadagsa naman sa iyo ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-13-16-21-37-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Padami nang padami ang iyong mga kaibigan. Gayunman, ‘wag kang mag-alala dahil may dala naman silang magandang kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-24-29-39-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page