Horoscope | Abril 18, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- 14 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 18, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 18, 2026 (Sabado): Magtatagumpay ka ngayon. Ito ang mensahe ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan. Kaya huwag mo nang lagyan pa ng kung anu-ano’ng dekorasyon ang iyong panalangin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-17-22-25-33-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka nang may sigla para makita mo ang magagandang kapalaran na dadapo sa iyong buhay. Hindi maganda kung tatalunin ka ng katamaran, pananamlay, at kalungkutan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-15-21-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagmumula ang kaligayahan sa puso, kaya sundin mo ang sinasabi nito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-13-20-28-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Itutulak ka ngayon ng iyong kapalaran upang magawa mo ang mga bagay na iyong gusto, at ang mga planong hindi mo maituluy-tuloy ay masisimulan mo na ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-23-35-38-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lumalambot ang matigas na damdamin kapag nakita na ang katotohanan. Sa ngayon, mauunawaan mo ang mga dahilan ng mga bagay na naging sanhi ng iyong init ng ulo at kalungkutan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-12-16-24-31-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mamasyal ka ngayon upang gumagaan ang iyong pakiramdam. Sa pag-iisa, mas lalo lamang bibigat ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-19-26-28-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi maganda ang biglaang pag-alis sa nakaugalian na. Dahan-dahan at hinay-hinay lang. Sa huli, mababago mo rin ang lahat ng gusto mong baguhin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-25-27-34-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasusugatan ang isda na sumasalungat sa agos ng tubig. Hayaan mo lang na umagos ang mga pangyayari, kahit hindi mo gaanong gusto ang mga nagaganap sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-26-30-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakaalalay sa iyo ngayon ang langit. Maaari mo nang gawin ang mga plano mo kahit madami ang sumasalungat. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-17-28-30-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi maganda ang mga biglaang pagkilos na hindi pinag-iisipan. Iwasan mong matangay ka ng iyong emosyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-24-36-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumalayo ang suwerte kapag ang tao ay alipin ng galit. Hindi ka dapat mabuhay sa sama ng loob at mga hinanakit. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-18-23-35-38-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahalaga ang may ipon, dahil may magagamit ka sa biglaang pangangailangan. Simulan mo na ang pag-iipon habang maganda pa ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-12-22-29-31-37.


Comments