top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 18, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-18 Araw ng Abril 2024


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 18, 2024 (Huwebes): Ginagarantiyahan ng araw na ito ang iyong pagsilang. Mahalin at pahalagahan mo ang mga biyayang napapasaiyo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Para sa iyo ang araw na ito. Ang nakakatuwa, ang mga araw na darating ay para pa rin sa iyo. Huwag mong sayangin ang magagandang bagay na hinuhulog sa iyong kamay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-10-28-30-34-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpakita ka ng tapang upang ipakita rin sa iyo ng langit ang malaking premyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-20-35-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali. Ang mga bagay na nakukuha sa mabilis na paraan ay mabilis ding nawawala. Mas maganda kung isabuhay mo ang positibong paghihintay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-28-30-35-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang wala ka, iyon ang pangarapin mo. Ito ang susi para gumanda ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-12-18-26-37-41-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Humugot ka ng lakas sa mga nakaraang pagsubok na iyong napagtagumpayan. Sa ganitong paraan, ang iyong mga pinagdaanan ay iyo ring malalampasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-25-30-33-35-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masama ang mangopya. Sa katunayan, ang mga taong gumagaya sa magagandang ginawa ng iba ang pinupuri at hinahangaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-27-35-38-44. 


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) -Kahit hindi mo kailangan, kunin at ipamigay mo pa rin sa mga nangangailangan. Kapag ganito ang ginawa mo, pagpapalain at bibigyan ka pa ng langit ng suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-29-31-33-34-43. 


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumulong ka kahit na nangangailangan ka rin ng tulong. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-16-22-30-50.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makibahagi ka sa pag-iipon ng mga bagay na makakatulong sa mga taong nangangailangan. Kapag pinagsama-sama ang isang bagay, dadami rin ito tulad ng butil sa isang sakong bigas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-16-27-33-36-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasa dulo ng dilim ang liwanag, kaya magpatuloy ka! Hindi ka dapat sumuko ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-8-16-18-26-49.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na nawawala ang makapal na ulap sa kalangitan. Gayundin, ang ulap ng mga suliranin na dumarating sa iyong buhay. Kaya dapat kang maging matatag. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-21-29-30-31-47-51.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Una-unahan lang. Ang mga unang dumating muna ang bigyan mo ng oras. Ibig sabihin, ‘di maganda kung pagsasabayin mo ang mga nakikita mong magagandang bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-15-26-35-43.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page