Horoscope | Abril 18, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 18, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 18, 2023 (Martes): Ibibigay ng iyong kapalaran ang katuparan ng mga ambisyon. Kaya ikilos mo na ang iyong mga kamay at paa para makasigurado kang mapasasaiyo ang lahat ng ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hilingin mo na ang pinakamalaking kahilingan mo. Makakaasa ka na kahit may pagkaimposible, ito ay mapasasaiyo pa rin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-20-24-29-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang iyong kaharap. Hindi lang damit ang sinusukat at inaalam kung bagay sa iyo. Sinusukat din ang mga taong nagpapakita ng interes sa isa’t isa, lalo na ang mga taong makakasama mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-24-28-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahirap kang lokohin at mahirap kang ganap na ariin. Ito ang isa sa sikreto ng kapalaran mo na nagbibigay ng surpresa sa mga nagiging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-17-24-28-32-37.
CANCER (June 21-July 22) - Labanan mo ang iyong emosyon. Marami ang nasisira ang diskarte dahil hindi kontrolado ang kanilang damdamin. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-9-15-21-28- 42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magpapagamit sa mga taong sariling kapakanan lang ang iniintindi at sinusunod. Ito ang tandaan mo, mas maganda na ikaw ang gumamit sa kanila para sa kapakanan ng nakakarami. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-24-27-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawat tanong ay may sagot. Pero hindi kailangan ang paulit-ulit na pagtatanong at pagsagot. Ang kailangan sa buhay ay ang kilos ng kilos. Ito ang paalala ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-28-30-38-41
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakauwang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang maraming tukso. Tatalunin mo ang lahat ng ito kung isasabuhay mo ang mga natutunan sa iyong nakaraan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-16-18-24-26-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang maghanap ng kapalit sa nawala. Sa kakahanap mo, puwedeng mali ang iyong makita. Hayaan mo na ang iyong kapalaran ang magbigay sa iyo ng kapalit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-19-20-27-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakamasid sa iyo ang langit. Hinihintay nito na makita kang nakatutok sa iyong pangarap. Hindi ka na mahihirapan dahil mabilis na matutupad ang mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-18-21-26-27-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sa isang kisap-mata, puwedeng mabago ang buhay mo. Pero mangyayari lang ito kung tatanggapin mo na ang tapos na ay tapos na. Kaya mo ba itong tanggapin? Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-19-20-28-31-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nauubos ang bukas. Ang nauubos ay ang ningas ng pag-asa ng tao kapag inakala niya na siya ay bigong-bigo na. Tumindig ka at harapin ang marami pang mga bukas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-17-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Aalalayan ka ng isang tao na gusto kang magtagumpay sa buhay. Nakaalalay lang siya sa iyo, ibig sabihin, ikaw ang pangunahing gaganap sa pagguhit ng kasaysayan ng iyong buhay at kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-9-13-17-26-28.




Comments