top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Abril 18, 2021 (Linggo)

BULGAR
Apr 18, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 18, 2021


Sa may kaarawan ngayong Abril 18, 2021 (Linggo): Taglay mo ang lakas ng loob para magtagumpay ka sa malalaking ambisyon mo. Gamitin mo ngayon ang iyong lakas ng loob at huwag mo itong sayangin.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo na gawin ang proyektong hindi mo itinuloy dahil tinatalo ka ng mga negatibong pananaw. Ang araw na ito at ang darating pang mga araw ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-21-24-26-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umagwat at lumayo ka muna sa mga taong alam mong mahina at duwag. Baka mahawa ka at masayang ang magagandang araw mo kung kailan bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-17-28-30-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Kalimutan mo ang iyong mga kabiguan dahil sagabal lang ito sa iyong pag-unlad at hindi ka makakaalis sa lungkot. Harapin mo ang buhay, nang buhay na buhay ang ningas ng iyong pag-asa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-19-25-37-40-44.


CANCER (June 21-July 22) - Bawat hakbang ay pag-aralan mo munang mabuti. Hindi dapat maulit ang pangyayari na emosyon ang tumalo sa iyo. Talunin mo ang emosyon at gaganda nang kusa ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-24-27-34-38

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi naman nawala ang mga suwerte mo. Kumuha lang ang mga ito ng malalakas na buwelo nang sa gayun ay mamangha at magulat ang mga hindi naniniwala sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-20-21-29-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hanapin at kilalanin mo ang mga naghahangad na ikaw ay mabigo. Hindi ka naman mahihirapang makilala sila dahil sila ang hindi nakikiisa sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-16-22-23-31-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi masama ang magtanong dahil ang masama ay ang magdunung-dunungan. Magtanong ka nang sa gayun ay madagdagan pa ang iyong mga kaalaman sa binabalak mong pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-13-1i9-20-24-28.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo ang tulong na inaalok sa iyo. Sa ibang araw, ang tumulong sa iyo ay tulungan mo rin. Dahil dito sa mundo, ang lahat ay minsang nangangailangan ng tulong. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-21-28-30-31-35-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Titingalain ka ng mga nasa paligid mo. Gayunman, ang payo ay magpakumbaba ka dahil ang nagpapakababa ay lalo pang iniaangat ng langit.

Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-23-25-26-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magsaya ka dahil ang mga suwerte ay nagsisidapo sa masayahing personalidad at mailap sa mga taong ayaw magsaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-15-29-33-38-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit ano ang maranasan mo, tanggapin mo nang maluwag sa loob dahil kailangang mangyari ang lahat nang mabigyang-daan ang pagdating sa iyo ng mas marami pang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-18-25-26-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng mga magpapakita sa iyo ng interes. Huwag mong gawing basehan ang mga salitang iyong maririnig upang hindi ka magsisi sa huli. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-9-13-18-24-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page